Chapter 75: Veneracion

92 6 4
                                    

Nanggigil talaga ako kay Aexl ngayon, naaksidente na nga nakuha pang magbiro sa akin. Binungad ba naman ako nang 'Hey Guess what!' kahit kailan ulol talaga. Ang gago, nagaalala na ako tinatawanan pa ako.

Ito ako ngayon inis na piniga ang handlebar, hindi na ako nakapagpalit kanina nang damit dahil sa pagmamadali at pagaala, I'm just wearing a simple oversized shirt and a biker shorts tapos tsinelas lang, maliban sa sarili ko, cellphone lang ang nadala ko. Ewan ko kung anong pinaggawa nang kumag na yon at sumemplang, take note! Mag aalas dose pa nangyari sakanya. Tapos sabi niya sa akin, ayaw niyang ipaalam sa mga Boss nila.

Pagrating sa Warburn Hospital agad akong nagpark at patakbong pumasok sa loob. Una akong pumunta sa nurse station, nasa private room na raw si Aexl. I went through the Elevator and pressed the floor number 5.

Pagalabas agad kong tinungo ang room 93. Kumatok muna ako. Pagpasok ko agad akong napangiwi nang makita si Aexl na may benda sa ulo at sa braso. Nang makita niya ako agad siyang ngumiti at napakamot sa ulo matapos makita ang pagsama ko nang tingin sakanya. He gave me a peace sign kaya itinaas ko ang gitnang daliri ko. Bahagya naman siyang natawa kaya napailing ako.

Sinarado ko ang pintuan at lumapit sakanya. Namewang ako,"Oh ano?"

He scratched his head. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila. Kaya naupo ako sa gilid niya. He wrapped his one arm on me.

"Nabagok ba ang ulo mo at ganyan ka ngayon?"tanong ko sakanya. Kinuha ko ang kamay niya pero binalik niya iyon.

"Hoy Aexl..."

"Ingay mo."sagot niya sa akin, bahagya siyang natawa nang makitang salubong na ang kilay ko.

"Maingay ako?"tanong ko sakanya kaya natatawa siyang napatango.

Inalis ko ang kamay niya."Alis na ko. Maingay pala ako eh."natawa siya at ipinulupot ulit ang braso niya sa akin.

He chuckled,"Just kidding. Your voice made me feel better."sarkastiko akong tumawa sabay palakpak para sakanya sabay ngiwi.

"Huwaw! Kilig na kilig ako ron! Sa sobrang kilig ko gusto kitang ibalibag."natatango kong sabi sakanya. Tumawa lang siya kaya pinitik ko siya sa tenga.

Ngumuso siya,"Aray naman! May sakit ako! Kailangan ko nang yakap, Euphrasia."

Dinuro ko siya,"Hoy kumag. Hindi ko kasalanan kung bakit ka ganiyan nangyari sayo kaya hindi ako yayakap. Ano ka? Haler."umirap ako kaya tumawa siya.

"Ikaw lang yung naaksidenteng tumatawa pa."sabi ko sakanya kaya lalo siyang natawa.

"Bawal bang sumaya dahil nandito ka."hindi ko siya makapaniwalang tinignan habang nakangiwi.

"Tigil tigilan mo ko Aexl. Magkwento ka na, ano bang nangyari sayo?"I asked him. Umusog siya nang konti kaya umupo ako nang maayos. Ang laki nang kama niya infairness. Nakaharap ako sakanya habang yung isang braso niya nakayakap sa akin.

"Mukha kang galit na baboy. Nagaalala ka ba talaga sa akin o Galit ka?"tanong niya, he's pressing his lips while his eyes widened.

"Nagaalala malamang!"I affirmed and rolled my eyes.

He gestured me using his lips,"Kita mo? Galit ka."

I look at him with disbelief,"Hindi ako galit! Aexl, hindi ako galit."I said in a furious way.

"Galit ka Euphi."pagpilit niya pa. Jusko naman, bakit ba panay ang pilit nitong galit ako?

"Hindi nga sabi eh."

"Eh bakit may 'eh'? Galit ka talaga."ginaya niya pa ang pagkakasabi ko kaya sumama ang mukha ko.

"Hindi nga."mahinahong sabi ko. Siguro, dito na lang ako manunuod ng Tournament, hindi pa naman alam ni Aexl yung mga UN ng kasama ko eh, tanging Luctor et Emergo lang yata na group name namin ang alam niya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now