Chapter 119: District Survival Online Season 7

91 7 7
                                    

"Handa ka na ba?" tanong ni Kenji.

"Kuya Kim yarn." dumaan si Langston, hinabol siya ni Kenji at sinubukang sipain pero nailagan niya kaya ayon na siya, nangaasar na tinawanan si Kenji, naka-dila pa 'ya. Bawat araw na dumadaan, pabata ng pabata si Langston.

Tumango ako. "Syempre, malupitang practice kaya ang ginawa natin, hindi pa ba ako magiging handa don?"

"I'm not talking about that." aniya at umupo sa kandungan ni Lucius na tahimik na nagse-cellphone. "I'm talking about you having your mental strength prepared. Aba, andaming mga bwakanang shit ang kukuyog sa'yo ron. Ang o-oa amputa akala mo sila yung ginanon e, kung octupus lang ako baka sumampal na ako ng 8 person at a time.

"Kalma," tumawa ako. "Hayaan mo na nga ang mga 'yon, wala namang ambag ang mga 'yon sa laro."

Sabay sabay kaming kumain ng umagahan. Nang matapos ang lahat, nagsibihis na kami. Binilisan na lamang namin ang pag-galaw para naman hindi kami ma-late.

Una akong nakababa, may sukbit akong bag kung nasaan ang nerve gear, water bottle at snacks na dinekwat ko lang kay Lachlan.

Sumunod naman si Iñigo at In-Kyu na bumaba.

"Naks ah, bagay a." I said pertaining sa jersey namin.

Iñigo boastfully flexed his shirt. Napailing na lang si In-Kyu sa iniasta nitong isa.

"Syempre, wala naman yatang damit ang pangit sa'kin."

"Alam mo yung pangit sa'yo?" Bumaba si Langston kasama sina Haruto at Dylan.

Nilingon siya ni Iñigo at namewang. "Oh ano supot?"

"Yang mukha mo, bansot!"

I really can't reach the energy that they have. Iba nga talaga kapag matanda ka na.

Tanda ko pa nung bata ako, gusto ko na agad tumanda pero ngayong matanda na ako parang binabalik ko na ang sinasabi ko. Gusto ko na ulit maging bata. But my childhood is kinda strict so, wag na lang pala, stay na ako sa edad kong to na padagdag ng padagdag.

Adulthood is really difficult. No more reasoning, mahirap talaga.

I'm just chilling in amidst the nervousness arousing in my chest when Lachlan appeared with Sierra. Kinuha ni Kuya ang kamay ko at tinanggal ang naka-pulupot.


"Mahapdi pa ba?" tanong ni Sierra.


"Medyo." humiwa kasi talaga ang kutsilyo sa kamay ko, akala ko nga madali lang itong magiging maayos pero hindi, hanggang ngayon may sugat parin pero hindi kasing lala nung una.


"Mahalaga ang daliri sa paglalaro kaya mag-ingat ka naman." ani Kuya, napangiwi ako pero agad ring tumango dahil pinitik niya ako sa ilong.


"Oo nga, tatlong araw mo nang magkakasunod na sinasabi 'yan." I told him and accepted the cookie that Zilch handed me. Ang cute ng batang yon, mukha siyang Santo Nino na pinatungan ng damit, Zilch want his shirt to be xl kasi ayaw niya ng fit, kaya ayon siya, mukhang naglalakad na kumot.  But he's wearing a short na may tatak parin ng logo namin. Zilch is not comfortable with pants kaya pinagawan ko siya. i don't want them to feel uncomfortable when playing kaya tinanong ko sila dati kung ano ang prefer.


Mostly, dito sa bansa, mga madudungis na mga bata sa computer shop ang nakikita kong ganyan ang mga suot, yung ang luwang luwang ng damit tapos hanggang sa itaas ng tuhod abot. Pero kay Zilch, ang pogi niya lang, yung batang amerikano sa family reunion niyong may dalang ipad palagi tapos spaghetti lang ang gustong kainin.


"I don't care, i'll tell you that later ulit. Gusto mo bawat minuto sabihin ko e."

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now