Hweehehehe, sorry late update. Enjoy!
+++
"Ready na? Ready na? Ready na?" parang sirang plakang tanong ni Zilch, hindi naman namin magawang mainis sa ingay ng baby boy namin kasi ito ang bunso at ang cute niya nanaman sa suot niya.
"Kung si Langston 'to, kanina ko pa nasipa." pangaasar ni Danica. Hindi makasagot si Langston dahil tulog sa sofa. Hindi ko alam pinaggagawa nito para maka-idlip ng ganitong oras.
Tumabi sakanya si Haruto at Dylan, pumikit ang dalawa at maya maya nakarinig na ako ng hilik. Zilch then walked towards them. Malaki ang mahabang sofa kaya kasya sila. Pumatong sakanila si Zilch ng higa na agad rin naman nilang niyakap kaya apat na silang natutulog ngayon.
"Nasaan na si Zilch?" bumaba si Lucius habang salubong ang kilay. Nakasunod sakanya si Kenji na nagkakamot ng ulo.
"Hayaan mo na, maglalaro yan e. Papagalitan mo nanaman." ani Kenji at ginulo ang buhok ni Lucius.
"Magsama kayong dalawa, puro kayo kalat. Mukha akong yaya na panay ang sunod sa inyo." Lucius hissed at Kenji sabay pasok sa kusina. Napasimangot si Kenji at nilapitan ang apat na tulog.
"Hoy gising!" he exclaimed. Hindi nagising ang apat kaya kumuha si Kenji ng kaldero sa kusina, at pagbalik niya, hinampas niya ang dalawang kaldero.
Napatabon ako sa labi para pigilan ang tawa ko.
Napabalikwas ng bangon ang tatlo, bumagsak tuloy sa carpet si Zilch, mukhang hinila ang kaluluwa ni baby boy dahil natulala siya bigla kay Kyu na nakapatong sa center table.
"Tangina mo naman!" kumuha ang telettubies ng throw pillow at ibinato kay Kenji na may maluwag nanamang turnilyo sa utak.
"Bakit ba kayo tulog ng tulog ha? Aalis na maya maya." ani Eustace na kakababa lang.
"Syempre inaantok kaya matutulog." sagot ni Langston at umirap.
"Puyat kayo siguro kakanuod ng porn." komento ni Kenji. Nagsitawanan naman sina Iñigo.
"Sagwa mo naman, gago." humalakhak si Dylan.
"Tuwang tuwa ah, nanuod ka talaga siguro kagabi." baling sakanya ni Haruto.
"Gago mo, ikaw nga 'tong nag-forward ng may ungol ungol. Pinagalitan tuloy ako ng Mama ko nung narinig niya habang nagu-usap kami." binatukan ni Dylan si Haruto na tumawa lang sabay turo kay Langston.
"Si Langston ang nagpasa sa'kin."
"Galing 'yon kay Lenox." tinuro ni Langston si Lenox na nanahimik sa tabi ni Danica.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...