While waiting for the snack to cook, nakaupo kaming magkakapatid sa carpet sa kwarto nila. Nandito rin sina Kuya Ross at Lachlan na nagd-DSO.
Ang tatlong bulilit naman nasa harapan namin nakaupo habang nagbabangayan kung paano laruin 'yung electric drum na kinuha nila sa baba.
We're chilling when one of our cousin entered with her baby.
"Paki-bantayan muna, aalis kami nina Auxeen." Binigay niya sa akin ang 3 years old niyang anak na babae.
"Hoy, saan nanaman kayo pupunta? Hindi nangsasama." Ani Kuya Eiko.
Si Kuya Yuri tinitirintas ang buhok ko. "Practice ako tirintas, may pamangkin ka nang babae next year."
Napangiwi ako. Tas kapag umuwi ako, ako nanaman magbabantay.
"Hindi ka pasok sa budget, Eiko. Manahimik na lang kayo jan, girls night out to."
"Buntis kalahati sa inyo kaya."
"Hindi naman kami iinom. More on, pictorial lang. Hindi na namin isasama si Euphi, hindi pa naman siya kasal."
"Hindi naman 'to magpapakasal kaya h'wag niyo nang isama." Ani Kuya Euriel. Napangiwi si Ate at lumabas na.
Itong bata namang iniwan niya sa akin kinukurot ang pisnge ko.
"Psst?" Tawag ko kay Kuya Eiko. Nilingon niya naman ako.
"Oh?"
"Panuorin mo, gawin natin." Binigay ko sakanya ang cellphone ko.
Nakiusisa naman ang dalawa.
"Chat head ni Aexl oh." Ani Kuya Yuri.
Mabilis akong gumapang habang hawak ang baby at mabilis na dinrag pababa ang chathead bago pa lumabas ang chat.
Tinignan nila ang tatlo kaya dumila ako. "Mga chismoso. Hindi ko binabasa mga chat niyo kaya h'wag niyong basahin 'yung sa'kin."
"Kuya, tinatago oh." Tinunggo tunggo nila si Kuya Euriel na hinampas na lang sila.
"Walang pakialaman ng chat, kingina niyo."
"Sus! May tinatago ka lang eh. Plano niyo bang mag-tanan?"
Bobong bobo kong tinignan si Kuya Eiko.
"Mukha bang mga rebelde kami?"
"Ito, ang delusional mo. Bobo kahit kailan. Pukpok mo kaya sa ulo mo mga construction supplies mo." Binatukan siya ni Kuya Yuri.
"Baka lang naman!"
"Paano naman sila magtatanan kung hindi naman nila kailangang itago. Lumaki ka talagang bobo." Ani Kuya Euriel.
Ang mukha ni Kuya Eiko, lugmok na lugmok.
"Kung magtanan man sila," tumawa si Kuya Yuri. "Asahan nilang buong angkan ng Vanidestine at Kristopher ang hahabol sakanila."
"Ang gara ha, ano 'to? Drama? Manahimik nga kayo sa tanan tanan. Parang may balak akong mag-asawa ngayon eh hindi ko pa naaagaw win streak ng Principium."
"Parang ibibigay namin sa inyo. Dream on, Luctor et Emergo." Ngumisi si Kuya Euriel.
Napairap na lamang ako. Ang baby na hawak ko pinipisil parin ang mukha ko na akala ko isa akong marshmallow.
Pinanuod naming tatlo ang video. Ang baby tinusok ang ilong ko kaya agad kong tinanggal ang kamay niya. Mamaya may malukit pa siyang kayamanan jan eh.
Tumawa silang tatlo.
"Tara!"
"Kaninong anak 'yung gagamitin?" Tanong ni Kuya Euriel. Napatampal ako dahil sa paraan ng pagkakatanong niya, mukha kaming mangho-hostage.
YOU ARE READING
District Survival Online
Ficção CientíficaAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...