Chapter 57: Blessings in Disguise

82 7 0
                                    

Kumaway kaming lahat kay Langston pati na rin sa Lolo at Lola niya.

Nakangiting lumapit sa may kulungan ang Lola ni Langston kaya napatingin kami sakanya.

"Mga Iha, Iho. Huwag kayong sumuko rito ah, everything will be on place. Gamer rin kami kaya alam namin ang mga nararamdaman niyo, huwag lang susuko. Kung susuko kayo o sinukuan niyo ang mga pangarap niyo hindi iyon para sainyo, nagkaroon lang kayo nang katiting na ideya para maging pangarap iyon. Magiging maayos rin ang lahat"

Ngumiti kaming lahat at napatango.

"Euphrasia, Eustace, Loki. Salamat sa pagbabantay sa Apo kong kampon ni Goku. Nasabi ni Langston ang pinagdaanan niyo, kung hindi kayo tanggapin, bukas ang bahay ko para sainyo"nakangiting sabi nang Lola ni Langston kaya hindi mawala ang ngiti namin.

"Maraming salamat sainyo"nakangiting kumaway sa amin ang Lolo ni Langston. Kumaway kami pabalik habang nakangiti rin.

"Bye! Sana hindi kayo magrambulan jan! Kung itutuloy natin yung grupo wag niyo kong kalimutan isali! Bye! Love you! Mwuah!"Langston bid a goodbye enthusiastically.

Nang makaalis sila sabay sabay kaming napabuntong hininga.

"Merry Christmas again"nasabi ko na lang. Kagabi, halos hindi kami magkamayaw sa pagiyak ni Eustace habang kinukwento sakanila ang nangyari sa amin na hindi maalis alis kahit anong pilit naming lisanin iyon sa isipan.

Nahihirapan na ako. Gusto kong tumawag sa mga magulang ko at magsumbong sa kung anong nangyari sa akin pero I don't have a guts to tell them dahil alam kong samu't saring sakit at pangiinsulto ang matatanggap ko.

Hapon na nga rin ngayon. Nakatawag na silang lahat sa mga kailangan nilang tawagan habang ako nagmumukmok lang habang inaantay kung kailan malalaman nila Mama na nasa kulungan ang magaling nilang anak. Ang anak nilang naka-experience nang hindi dapat.

"Kristopher may tawag ka"sabi nang Isang Pulis habang hawak ang cellphone ko. Agad akong nanginig ng makita ang pangalan ni Kuya Yuri.

Kinuha iyon ni Loki at binigay sa akin, nanatili namang nakatayo ang Pulis. Akala niya yata tataguin ko ang cellphone ko. Naka kulong lang naman kami sa Police Station hindi sa Kulungan talaga.

Napatingin ako kay Loki,"Hindi ko alam ang sasabihin"

"Sabibin mo ayos ka lang tapos hayaan mo silang hanapin ka."suggest ni Brazil, tinignan naman siya nang lahat na parang bobong bobo kaya napangiwi siya at napairap.

"Kung ano lang ang lalabas sa bibig mo yun na. Maintindihan ka naman nina Kuya at siguradong sayo sila kakampi"sabi ni Loki kaya napatango tango.

Pagsagot ko nang tawag ni-loud speaker ko iyon.

"[Euphrasia! Baby! Merry Christmas! Waaaaaah!]"sigaw ni Kuya Eiko kaya wala ako sa sariling napaluha.

"[Hoy! Hatdog ka! Kingina ka hindi mo sinsagot tawag ko! Nakita ko Log ni Doctor! Siya ang sinasagot mo! May favoritism! Wala kang pamangkin sakin!]"sigaw nanaman niya.

Huminga ako nang malalim at ngumiti.

"Bobo mo sana di ka nagasawa. Kahit kailan tatanga ka. Bat magkasama kayo?"sabi ko in a normal voice tuwing magkatawagan kami. Napailing iling na lang si Loki malamang natutunugan niya ang pagiging plastic na pagiging masaya ng boses ko.

"[Oh! Bobo mo rin! Nasa Hawaii kaming tangina ka! Kung ako sayo! Pagkgraduate mo nagjowa ka kaagad tapos sabay tayong nagpakasal! Andito ka rin sana!]"pagmamayabang niya.

"[Tangina mo, nanggagamit ka nanaman ng cellphone]"boses ni Kuya Yuri. Sunod sunod akong napaluha gusto kong sabihin pero nahihirapan ako.

"[Si Euphrasia yan?]"si Kuya Euriel. Nang marinig ko ang boses nilang tatlo nakaramdam ako nang kaginhawaan.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now