Chapter 63: Holding On

84 7 10
                                    

Isang taon nanaman ang nakalipas pero hindi parin kami bumitaw sa mga pangarap namin. May kokonting mga tournament kaming sinalihan at halos lahat talo nanaman pero ayos lang, sa buhay marami namang failure.

All of us are still working, si Kuya Link isang crew sa BGC habang si Kuya Lucian nagtatrabaho sa cafe of dreams, kami ganun parin jollibee at mcdo parin, minsan si Langston na lang ang natitira sa bahay dahil sina Brazil, Lenox at Danica nagdedeliver ng mga damit or kung anong gamit na pinagoonline sell nila. Honestly, I'm really happy and contended sa kung anong meron kami ngayon dahil dito mo nakikita at mararamdaman na hindi ka iiwan sa ere, inaangat namin ang bawat isa dahil sabay sabay kaming yayaman at magiginh successful.

Aexl and I didn't talked for a year pagkatapos kong puntahan sina Chevi but I'm really happy and proud for them. Naging malakas na ang Principium at ika-19 na sila sa World Rank ng DSO. I'm proud of the Captain who over come everything, proud na proud ako. May minsan na pumupunta ako sa mga Tournament nila na malapit lang para mapanuod lang sila. Dati iyak ng iyak si Chevi dahil natatalo sila pero ngayon umiiyak na siyang nakangiti dahil palagi silang panalo na ipinagdarasal ko na sana maranasan rin namin iyan.

Isang taon na kaming magkakasama at lalo pa kaming naging malapit sa Isa't isa. Meron na nga kaming love birds rito eh, sina Maddison at Kuya Link, wala lang nung naginuman kami, nilasing naming lahat si Kuya Link hanggang sa biglang umamin na mahal pa raw si Maddison kaya ayon pagkaumaga biglang umakyat ng ligaw kay Maddison hanggang ayon after one month nagbalikan.

Sometimes I caught Loki staring at Eustace. May natutunugan na akong kakaiba pero aantayin ko lang kung kailan aamin ang beki kong kaibigan. Unti unti na rin kaming nagmove on ni Eustace pero ang marka andito parin pero kahit ganon, go lang. Nagkakaedad na nga rin ako, huhuhu.

Pumasok ako sa exclusive subdivision para magdeliver ng order. Nanotice ko lang, kahit nakababad ako sa initan dahil sa pagdedeliver ang puti ko parin. Ang issue tungkol sa video, nawala na rin pero ang mga insulto na ibinato nila nandito parin sa akin.

Ang nakalagay lang na pangalan sa details, Xexe Ven, napakibit balikat na lang ako at huminto sa pagkalaki laking bahay na four story. Kung sino man ang nakatira rito, paambon ng yaman, lol.

Binitbit ko ang bag at isinukbit sa likod ko. Nagdoorbell ako. Ang dami nilang order sa totoo lang. Binuksan iyon ng Isang kasambahay.

"Pasok po Manong. Samahan na lang kita sa loob"sabi niya kaya agad akong napatango. Napalingon ako sa may garahe at napakibit balikat na lang, may nakita akong ducati na motor at mga sasakyan kaya mukhang mga mayayaman tong mga nakatira rito.

"Pakitanggal po pala muna nang nsa Mukha niyo Manong"sabi ni Yaya kaya napatango ako, sinunod ko na lang dahil baka masabihan pa akong magnanakaw. Tinanggal ko ang helmet at mask ko, isinuot ko iyon sa braso ko.

Pagpasok namin deretso lang kaming naglakad, sobrang familiar ng amoy. Napayukod ako para pagpagan ang damit ko.

"Pakilagay na lang po sa center table"napatango ako sa kasambahay kahit nakayuko ako.

Kasabay ng pagangat ko nang tingin ko ay siyang pagkagulat ko. Napahawak ako sa labi ko nang makita ang mga titig nila.

TANGINA! BAGONG BOOTHCAMP NG PRINCIPIUM!

They all stop from moving so as me. Parang binuhusan nanaman ako nang tubig. Nanlamig ang kamay ko nang biglang sumulpot ang mga Kapatid ko sa hagdan. Pati sina Coach Rodan at Sir Salvion kasama ang iilang editors na papalabas pa lang agad na napatigil at napatitig sa akin. Ang pinagtataka ko lang wala rito si Aexl.

Oh damn, this is so fucking awkward.

Umubo ako. I avoid and didn't mind their stares at me. Lumapit ako sa center table at nilagay lahat ng nandun. Isinukbit ko na muli ang bag at mabilisang nagsuot ng mask.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now