Chapter 146: Best Fight for the Semi-finals

21 4 0
                                    

A/N: Hello! I'm very very sorry for the late update. I hope you will enjoy this chapter! Lovelots! </3

+++

LANGSTON POV

"Pre, nyare sa'yo?" Tanong ko kay Haruto. Umpisa kasi nung natapos kami sa meeting ang ginawa ng kumag na 'to nag-enhance nang nag-enhance nang espada niya.

Kanina pa 'to tahimik e, hindi ko nga alam kung may sapak na siya sa utak o may crack na bungo niya.

"Natatae ba kayo?" Tanong ni Dylan sa amin. Ang dugyot talaga bwisit.

"Hindi naman." Sagot ko, wala namang sagot galing kay Haruto. Mukha siyang pongkan sa buhok niya, ewan ko bat ginawa niyang orange.

"Ako kasi natatae, bye." Bulong niya at kumaripas sa cr nang jollibee. Dito kami kakain kasi gusto ni Zilch dito. Kahit pa mandatory na magk-KFC ang lahat pag gusto ng baby boy naming mag jollibee, matik na.

Kahit saan talaga at kahit kailan tatae talaga si Dylan kapag gusto niya, nung naligo nga ako biglang pumasok si tanga para makitae, amoy basura pa dahil balahura siya—kung ano ano ba naman ang kinakain.

Naiinis na ako kay Haruto kasi di makausap kaya sinuntok ko na siya sa braso.

"Ano nanaman?"

"Uupakan na kita, mukha kang malungkot na pongkan jan!" Nginiwian niya ako. "Kanina pa kita tinatanong kug anong nangyayari sa'yo."

"Iniipon ko lahat ng lakas ko tangek," bahagya siyang natawa. "This will be the first time that I will encounter a proper silent death user."

"Maraming silent death user naman ah, especially sa international league, hindi ba proper 'yan?"

"Mga walang kwenta kung gumamit, hindi man lang pinapahalagahaan ang mga items nila." Humiyod si Haruto. "That Vash from Principium will be the death of me or the otherwise. I can't wait to fight him one on one."

"Tapos na 'ko. Hays, success!" Bumalik na si Dylan. Wala pa ang mga pagkain kung kaya't kaniya kaniya muna kami ng mga mundo.

"Pano kung una kang mamatay?" I asked him out of the blue. Umayos ako ng upo kasi kumandong si Zilch, may kinakain nanaman siyang kung ano ano.

"I'm not built to fail, pre." Bahagya siyang natawa. "Isa pa, I can't afford to disappoint Captain. Among those 264 assassins that tried to entire this circle, she choose me to be part of LEM."

Ako naman yata ang hinanginan ngayon. Bat pa nga ba ako nag tanong? Nakalimutan ko yatang Captain 'to.

Sinulyapan ko silang dalawa, Dylan at Haruto. Kung tutuusin mas malakas pa sila kay Ate e, ma marami na ding napatunayan sa paglalaro at marami na ring panalo, I wonder kung paano nila nasisikmuraang sumunod na lang bigla.

"Pssst," I called the two. Tinignan naman nila ako. "Curious lang, bago lang kaming grupo, iilan lang rin ang major achivements, pano niyo nasisikmuraang sumunod sa mga coach natin especially sa Captain?

"To be honest ha, wala naman akong balak sumunod talaga, nung nasa Japan pa ako I want to force my plan, ganyan ako kababaw at ka walang hiya. Kasi sa akin, gusto kong umangat lalo dahil may pride pa rin ako, ayaw kong mapahiya sa grupo ko sa Japan." Napakamot si Haruto sa ulo niyang kulay orange.

"As a captain before, there's something within you na gustong may pasunurin because of my experience na rin as a pro-gamer but when I entered this group, everything drastically change. I mean, its new to me, everything's new but naka-adjust ako agad, since people here are comfortable to be with lalo na si Ate."

The food arrived. Yung iba ibinaba at hininto agad ang mga pinaggagawa at nagsimulang hanapin ang order nila. Nakakatawa pa rin si Iñigo at Ate Shanneah hindi pa rin nagpapansinan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now