Chapter 144: Semi-Finals are In!

32 4 2
                                    

A/N: Hello, it's been a while!  Thank you for your continuous support, I hope you'll enjoy this chapter.  


+++

AEXL POV


2 days before the semi's. Do they give us this long ass time to plan because we're against those teams who conquer the international league? Are they somehow looking down on us? Or do they intend to give us this 48 hours of rest because we've been on the league the longest we haven't had breaks?


Andaming tumatakbo sa isip ko nang makauwi kami pagkatapos nang  quarter finals. It's new to have 2 days to continue the league, o baka nga iba ang patakaran kasi Bleu ang may hawak, Kristopher ang humawak.


6 teams are left to play with each other in order to secure a spot for the finals. Last year, hindi naman ako ganito mag-overthink. Nakampante ba ako dahil halos palaging Principium ang may hawak nang tropeyo? Maybe I am, but now, it's freaking me out. 


I mean, sino ang hindi matatakot kung ang mga kaharap mo may karanasan na sa international league? Imagine, facing against those guys who belonged to the qualifiers of Chaos Survival, Angel's Wrath was not present here in the local league for years kasi sila ang panangga nang Pilipinas para kalabanin ang ibang bansa. Golden Greed and Figure 7 are the same with them. Hidden Descendants, Serine Auction and Daylight Oax has the experience of battling with other countries too. And the worst, we will face the survivors of Town Survival, Luctor et Emergo.


Nakaharap naman  namin  silang lahat, may mga panalo na rin kami pero hindi yata ako mapakali tuwing kaharap sila, they have a lot on their sleeves.


"Pre, isaw." napatingin ako kay Trevon at kinuha ang binigay niya. Nakatambay kami sa labas nang subdivision dahil nandito yung ihaw ihaw na de gulong.



"Kuya, bat wala nang dugo?" ngumuso si Chevian habang kumakain nang inihaw na hotdog na may tinapay.


"Eh naubos nung nadaanan kong mga binata e. May hapon pa nga don tsaka koryano, kaya nga rin natagalan ako sa pagpunta dito kasi andaming binili." kwento ni Kuya.


"Putik na Haruto 'yon! Inubos pa talaga 'yung dugo." aniya at sinuntok sa tagiliran si Lath nang kakagat sana sa hawak niyang hotdog.


Ngumiwi ako kay Chevi. Habang kumakai tinitigan ko si Chevian, ang laki na ng bwisit na 'to. Parang dati ang nilalaklak gatas, ngayon alak na. Ang galing ding tumakas para kitain ang mga kapwa niyang punggok, si Chester ng Silent Peace at ang mga aports niya sa Luctor et Emergo. I even remember him asking Lath's car key, akala ko bibili lang sa 7/11, sinundo pala ang mga tropa niya para makipag-inuman. Tapos, umuwi pang lasing, ayon pagka-umaga, sinermonan ni River.


"Bakit nanaman?" sa akin naman siya ngumuso ngayon. "Wag ka ngang mag reminisce na maliit pa ako! Pagbuhulin ko kayo ni Ate tsaka Kuya Loki e! Kainis!" he complained.


"Wag kang tumakas mamaya para mag-bar. Nakailang post ka na sa twitter, palagi kayong nakikita nina Langston." I told him. It's not a big deal kung ano mang gawin niya sa buhay niya but we keep telling him to slow it down dahil ranas na 'yan naming mga kuya niya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now