"Love, ano nakikita mo?" Tanong ni Aexl.
Nagvi-videocall kami ngayon and it's 4 in the morning. Na spot niya akong online kaya tumawag siya.
Tas ngayon, 'di ko alam bakit niya ako pinapapikit.
"Siopao!" Sagot ko.
"That's my life without yo--"
Napamulat ako ng huminto siya sa pagsasalita. Napatawa ako ng makita ang mukha niyang nakasimalmal.
"Gago, anong siopao!"
"Nagugutom ako eh." Tumawa ako. Hanggang sa lumabas ang araw magkausap kaming dalawa, napatigil lang dahil kailangan na naming puntahan ang mga grupo namin.
"Good morning!!!" Sigaw agad ni Langston at Dylan. Napailing ang iba na halatang inaantok pa.
Si Iñigo, nakasandal kay In-Kyu na bagot ang mukha.
"You go away, don't lapit ka sa'kin."
Tumawa si Iñigo. "Lumayas ka na nga dito, tinuruan ka nang mag-tagalog eh."
"What? I can't understand."
"Sabi ko, pangit mo."
Hinampas siya ni In-Kyu sa noo, malakas na tumawa sina Dylan, Haruto at Langston ng makita silang dalawa. Si Helix naman nakatulog sa balikat ni Loki kaya itong si Eustace pinag-tripan at kinuhanan ng picture.
"Ang aga pa, bat gising na kayo?" Tanong ko at umupo sa tabi ni Rocco.
Siya ang pinaka-tahimik simula nung makarating siya sa bahay.
"May tanga kasing nagsabi na may gagawin raw." Napairap si Maddison. Tumawa si Langston na mukhang siya ang may pakana.
"I can't sleep." Simpleng sagot ni Haruto at humikab. Magkakatabi sila nina Langston at Dylan, nagsama sama ang tatlong mga hamog. Hindi naman na sila bata kaya hamog na lang.
"Akala ko nga nasa Russia pa 'ko eh, hinanap ko tuloy ang kakambal kong si Dora." Sagot ni Dylan.
"Unggoy." Gumising si Helix.
"Shh! Ishat-ap, Colonizer." Dylan hushed him.
"Gago."
Napatawa kaming lahat.
"Tawa tawa ka pa jan akala mo hindi ka nangsakop ah." Baling ni Langston kay Haruto na hinampas lang siya.
"Cap," tawag ni Dylan. Nag-kakape kaming lahat dahil wala pa ang umagahan namin. It's 7 in the morning.
"Oh?" Sumulyap ako dahil nasa site ako ng DSO, naghahanap ng mga players.
"Kumpletuhin mo na, kumuha ka ng taga-Amerika tapos 'yung taga China rin tutal nang-aagaw naman ng teritoryo ang mga 'yon."
"Gago ka talaga, Tol."
"Mukha kayong teletubbies, manahimik nga kayo. Ang aga aga eh." Suway sakanila ni Kenji.
"Mga minions." Dagdag asar ni Iñigo at nag-translate kay In-Kyu na napatawa na lang.
"Mukha nga kayong pwet nang kaldero, nag-reklamo ba kami?"
"Oh, mukha raw kayong pwet, Lionel, Iñigo. Payag kayo non? Kung ako 'yon, 'di ako payag." Dagdag ni Danica na nasa tabi ni Lenox.
Ewan ko na lang pagmakisali pa 'tong iba, kawawa ang tatlo panigurado.
"Mas pogi ako sa'yo, asan ang pwet dito kung may utak ka." Ganti ni Iñigo habang nakaturo pa sa mukha niya.
Itong mukha ni Iñigo 'yung mga supladong pogi palagi sa k-drama na palaging pinipili ng main lead na babae eh.
YOU ARE READING
District Survival Online
Fiksi IlmiahAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...