March 2025
Nakaharap kaming dalawa ngayon ni Loki, Maddison at Sierra sa Manager na kakilala namin.
"Inday Euphrasia, ayos ka lang ba talaga?"agad na tanong ni Mama Nina, Mama Nina tawag namin sakanya ni Loki dahil beki siya. I stomp my feet and went to him and hugged him tightly.
He hugged me back,"Ikaw bata ka, nagaalala ako sayo. Sigurado kang magtatrabaho ka? Kayo?"
Napatango ako,"Oo Mama Nina, kailangan na namin ng pera dahil lumayo na kaming lahat sa mga magulang namin para tuparin namin yung gusto namin"paliwanag ko at humiwalay kay Mama Nina. He cupped my face and looked at me softly.
"Ako'y nahihirapan para saiyo....pero oh siya sige, pero dhai, ayoko namang bastusin ka rito dahil sa nakakalat na video na alam kong hindi mo kayang gawin... Diba marunong kang magmotor?"napatango ako. Nagpapasalamat ako kay Mama Nina dahil after a week tinawagan niya na pabalik sa Loki.
"Kaya mong magdeliever?"
"Asus, Kaya"sagot ko kaya napatango tango siya. He instructed us every details on how we should start and do everything here.
Ito kaming apat ngayon nagpipicture habang nakasuot ng uniform ng Jollibee.
"Kingina, new experience mga sist"sabi ni Loki kaya nagtawanan kami. Ginawa kong low bun ang buhok ko at agad na nagsuot ng mask at helmet.
"Wow, holdaper ka girl."komento ni Sierra kaya natatawa akong nakipagapir sakanya.
Mama Nina introduced us to the crew. May iilang judgemental stares akong nakuha but I rejected it. Si Mama Nina agad na nagexplain tungkol sa akin, may iilang naiintindihan ako at may iilang sarkastikong napailing na lang pero ayos lang, they're part of the judgemental society na kung saan kung anong nakikita agad na may batikos without knowing the point of view of someone.
Sumunod ako sa Isang babaeng crew. I'm just normally walking when she attached her arms on my own arms.
"Girl, wag mo na lang intindihin yung mga tingin nila mga gago lang talaga sila"sabi niya sa akin, natawa ako at napatango na lang dahil pasmado ang bibig niya.
"Opo Ate"
"Shamara nga pala, twenty two na ako sis."pakilala niya sa akin. Napangiti naman ako dahil kahit papaano hindi siya judgemental.
"Euphrasia, twenty pa lang ako."
Pagrating namin sa may Kusina agad niyang binigay sa akin ang bag na may lamang mga orders. She then sent me details kung saan at sino ang mga magppick up nito. Lumabas ako at dumeretso sa may parking lot. Hindi motor ko ang gagamitin ko kundi Motor mismo nang jollibee. Nagsuot ako nang jacket at agad na sumakay sa motor.
Nilingon ko sina Loki na nakadungaw mula sa kusina. Kumaway sila kaya kumaway rin ako pabalik.
Umarangkada na nga rin ako. First Stop, subdivision inches away lang naman kaya uunahin ko na. Dati panay lang ang pagpapadeliever ko ngayon ako na ang magdedeliver, mararanasan ko na ang karanasan ng mga Rider na araw araw magdedeliver.
Lumiko ako at agad na huminto sa Guard House. He inspected ang mga dala ko kaya nagantay lang ako.
"Saan po bahay ni Miss Aileen Romina Dela Cruz?"tanong ko kay Kuyang Guard. Inayos ko naman ang bag pagkatapos niyang tignan ang laman.
"Exclusive subdivision Block 9 po ma'am. Lumiko lang po kayo sa kanto na yun tapos left with then ang pinakamalaking bahay na color pink yun po"napatango ako kay Kuya. Sumaludo ako bago umarangkada paloob.
Paghinto sa Isang bahay agad kong hinubad ang suot kong Helmet, ibinaba ko ang mask ko at agad na bumaba sa motor. Binuksan ko ang bag at kinuha ang order niya. I went to the gate and pressed the door bell. Iilang segundo pa, binuksan iyon ng Isang babae, she's wearing a tank top and a panty shorts.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...