02.22.22
"Good morning, ganda." Bati ni Kuya Link pagbaba ko.
"Bolero, ayaw lang akong magsumbong na nagsigarilyo ka e." I wiggled my eyebrows.
"Shh ka lang, sisiw number 1." Aniya at patawa tawang pumunta sa sala.
Bumaba ako habang sukbit ang bag ko at hawak ang jacket na may tatak ng Luctor et Emergo.
Si Rie ang sasama sa akin ngayon. Shooting ang mangyayari sa interview and if I'm not mistaken, sa isang araw ipapalabas.
I saw Rie coming out from the kitchen wearing Luctor et Emergo's shirt too. May bag rin siyang hawak at susi ng kotse.
"Uuwi kami mamayang hapon. Aalis kayo bukas." Aniya kay Kuya Lachlan na tumango naman.
"Mag-ingat ka, Euphrasia." Bilin nila. Bahagya akong napatawa at tumango.
"Ingat ka tanga ka pa naman." Pinakyuhan ko si Iñigo kaya dumila siya.
"If you're not feeling well tawagan mo kami." Ani Loki. Tumango ako.
I bid a goodbye at sumunod kay Rie.
"Sino makakasama ko Rie?"
"Pagdating raw don sasabihin nila. I texted Samsam, kaninang alas siete pa raw sila don. Hindi pa naman tayo late since may 20 minutes pa."
I nodded at pumasok sa kotse niya.
"Are you sure Euphrasia?" Rie asked at pinaandar ang kotse.
I nodded. "Yeah. Hindi lang dahil duwag ako sa magiging batikos, aatras na agad ako."
Rie sighed. "Kung pwede lang masabunutan ang may mga gawa non baka wala na silang buhok ngayon."
Napatawa ako. "Kalma Manager, ang puso natin."
"The issue really exploded. If they asked you humiliating questions, exit ka agad. Ayokong sumama ang pakiramdam mo ron. Baka mawarla ako at masipa ko na lang sila gamit ang pretty legs ko!"
"Don't worry, Rie. I'll be professional. I don't care kung anong tanong nila. If they will involve the scandal, then let them."
We arrived at the studio. We are accompanied by a staff immediately and while walking, hindi naiiwasan ang mga tingin ng mga taong narito.
They're even gossiping habang naglalakad ako.
Napatingin ako kay Rie. Inakbayan niya ako. "Tell me if you want to back out. Ang sarap mang tusok ng mga mata rito gamit 'tong bagong polished nails ko."
I smiled. "Don't waste your nails for them. Mahal 'yan, dzai. Sayang."
"Well, oo nga naman. Pero pwede namang palitan, mga sampal 360 degrees ganon." Aniya kaya bahagya akong napatawa.
Huminto kami sa isang pintuan, the staff opened it for us and accomodate us inside.
It feels strange seeing people that I don't know or i haven't seen before.
"Here's the possible question for the interview later. Makakasama mo ang Angel's Wrath, Figure 7, Golden Greed, Pointball and Golden Descendants." the staff informed and give a paper to Rie.
Tinignan ko sila. 7 of them are on the couch sleeping.
"Good morning, Captain." bati ng isang babae.
"Good morning po."
"I'm Khai, manager ng Angel's Wrath."
Natameme ako. Hindi ko na alam ang sunod kong isasagot after kong magpakilala. my social anxiety is occupying me and it's freaking me out.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...