Chapter 7: Welcome to District Survival Online!

175 11 2
                                    

1 month later

Napatingin ako kay Kuya Euriel ng pumasok siya sa kwarto ko habang may dalang nerve gear.

"Wag ka magbabad masyado nakakasira ng mata."tumango ako at kinuha iyon, marunong naman akong gumamit nito kasi tinuturuan ako nina Kuya dati.

"Wag kang maglaro hanggang alas singko ng umaga dahil masama iyon......"

Habang nag wwords of Doctors siya panay lang ang tango ko habang nag ssway sway ng katawan. Andaming pinagsasabi ni Kuya, akala niya talaga hindi lalampas sa isang tenga ko eh.

"Nakikinig ba Euphrasia?"napamewang na si Kuya Euriel kaya tumango tango ako.

"Anong sinabi ko?"tanong niya kaya ngumiti ako at nag snap.

"It's... Nakikinig ka ba Euphrasia?"striktong tanong ni Kuya.

"Ow yeah"nakangising sabi ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin habang nagaayos ng polo niya.

"Oo na Kuya, naging Doctor ka lang eh. Hindi ako magpupuyar, matutulog ako 4:59 para hindi abot ng alas singko"sabi ko at ngumiti.

"I lock mo lahat ng pinto at bintana magisa ka lang rito. Kung gusto mong magpa deliver inform mo yung Guard sa may guard house dahil baka bigla ka na lang anuhin rito. Maliwanag?"nakaka-touch naman, mawawala na ang mga asungot kong kapatid sa bahay, magisa na lang ako.

Sumaludo ako,"Yes Doc."...Dahil napakabait kong kapatid kumanta ako,"Salamat Doc~~"

"Gago. Alis na 'ko"paalam ni Kuya at lumapit sa'kin kaya nakangiwi akong humalik sa pisnge niya. Ganito sila eh, kung hindi ako hahalik walang dagdag baon.

Paglabas niya at siyang pagpasok ni Kuya Yuri habang may dala dalang brief case, siya na yata ang bagong member ng 'Deal or No Deal'.

"Hoy mag ingat ka rito. Kiss ko"aniya kaya agad akong humalik. Paglabas niya ay siyang pagpasok ni Kuya Eiko.

"Nabayaran ko na wifi, ang lakas gago ka. Oh Kiss ko"sabi niya pa kaya napairap ako. Pagkiss ko sakanya may tinapal agad siyang dalawang libo sa noo ko kaya kiniss ko siya ulit.

"Mukha ka talagang pera"sabi niya sa akin kaya pinagtaasan ko siyang gitnang daliri.

Paglabas ni Kuya agad akong nagset up. Sunod sunod na nagtunugan ang mga sasakyan sa baba kaya totally alone na talaga ako sa bahay.

Dati nung bata ako takot akong iwan ni Mama ni Papa or mga kapatid ko pero ngayon gustong gusto ko na, paano kasi, masosolo mo ang bahay, kahit magpaparty ka rito walang magsusuway.

Sinuot ko na ang gear pero agad ring natigilan dahil hindi pa pala ako nakakabili ng laro. Nakangiwi kong tinanggal ang nerve gear at agad na pumasok sa walk in closet dahil ang pangit naman kung mukha akong pulubi sa mall. Dahil nagmamadali ang kutong lupa ko tanging fitted crop tee lang ang isinuot ko at waistband plaid pants at nag tsinelas na lang. Paglabas ko agad akong kumuha ng bag at binuksan ang drawer ko at pinasok ang wallet ko sabay takbo sa labas habang hawak hawak ang susi ng motorbike ko, bahala na mapagalitan dahil sa pag ddrive ko ng walang license basta ang gusto ko lang makalaro agad.

Yung exited na exited ka pero mas exited ang kabobohan mo, tss

Pagrating ko sa garahe agad akong nagsuot ng helmet at agad na sinakyan ang motor, hindi na ako nagpainit ng makina arangkada na agad. Marunong akong magmotor dahil nga mga lalaki ang mga kasama ko kaya ayun natuto ako dahil sa pagtuturo nila.

Pagrating sa mall na hindi naman kalayuan sa subdivision namin agad akong nagpark at tumakbo, pero dahil isa akong tanga muntikan na akong mahagip ng kotseng kakadaan lang. Napahawak naman ako sa dibdiban ko.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now