PHILIPPINES Luctor et Emergo versus RUSSIA Rocket Emperor
Hernan Langston Carson
Nakatingin ako ngayon sa Captain namin na tahimik lang na nakamasid sa Laptop, wala kaming pera pero may mga nakalaptop, iphone at kung ako ano pang mamahaling brand eh. Four years ago, napakapogi ko, charot. Natatandaan ko nanaman kung paano sila magaway away, kawawang kawawa pa nun si Ate pero kahit ganun iniisip niya parin ako. Minsan gusto ko na talagang umalis ron, napakatoxic kasi namin kung magsama pero simula nung makulong kami mukha kaming maamong mga sisiw (sisiw tawag samin ni Kuya Link eh) pero dahil ron nalaman namin ang mga rason ng bawat isa that leads for all of us to understand and love each other.
Honestly, nagalit ako sa sarili ko nung ikinuwento nina Ate at Eustace ang nangyari sakanilang dalawa, nakakafrustrate kasi araw araw, oras oras, minu-minuto at segundo nanjan silang dalawa para sa akin pero ako, sa kung saan kailangan nila nang tulong hindi man lang ako nakarating para tulungan sila, hindi man lang ako nakarating para protektahan sila. Awang awa ako sa mga Ate ko kasi naranasan nila iyon. Naalala ko Habang nagkkwento silang dalawa hindi ko maiwasang manginig dahil sa pagaalala na baka pati ako....kami hindi na nila pagkatiwalaan pagatapos ng nangyari sakanila.
Pero tulad nga nang sinabi ni Ate, iwanan na namin ang lahat sa past. Bilib na bilib rin ako kay Captain eh, ang talino na nga ang bait pa pero syempre hindi ko sasabihin, tatawa nanaman siya na parang ginilitang masayahing baboy eh.
"Hoy, sinasabi ko sayo Langsto-----"
Natatawa kong pinutol ang sasabihin ni Ate,"Mukha kang tanga. Natapos ko na nga, naipasa ko na rin."hindi niya kasi ako papasalihin kapag hindi ko tapos lahat ng assignment ko, mabuti na lang talaga tinulungan ako ni Kuya Loki at Kenji kagabi.
"Talaga lang ha. Eh ano to?"agad akong napakamot sa ulo dahil nahanap niya pa rin ang tinago kong answer sheet. Ang iba kong Kuya at Ate tinawanan ako. Kingina talaga, bakit ba late ako pinanganak?! Gusto ko nang umalis sa eskwelahan!!!!
Ngumuso ako. Pinagtaasan niya ako nang kilay kaya awkward akong tumawa.
"Yan, hindi na sasali si Langston."pangaasar ni Kenji at malakas na tumawa na sinabayan rin nila kaya napasimangot ako. Nakakainis talaga kapag bunso, ako palagi ang napagttripan rito, pero ayos lang, mas malakas ang trip namin kapag kay Captain, ang sarap asarin ni Ate kasi agad siyang nagmumukhang Galit na baboy.
"Ate naman eh."napakamot ako sa ulo. Napailing iling siya at pinagkrus ang mga braso niya.
"Gawin mo ngayon sa harap namin. May limang oras pa, Hernan."agad akong napasimangot.
"Pwede pa yan bukas!"I affirmed. Ang mga kumag tuwang tuwa na tumatawa habang nakatingin sa akin na akala mo hindi pinagalitan ni Captain, paano sila hindi papagalitan kung imbes na magpractice para sa Tournment panay ang pagaya sa Auditorium of Illegality para sa duel, mga gago, ang rason pa nila para raw tumaas ang level nila pero hindi naman talaga tumaas.
"Sige, gawin mo yan bukas hindi ka sasama sa resort."sabi niya pa, agad silang naghiyawan at nagpalakpakan...."Tandaan niyo ha. Hindi sasama saatin si Langston."
Agad kong kinuha ang ballpen at answer sheet."Ito na! Aanswer na! Ito naman eh! Basic lang naman!"agad kong sabi. Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil may mga answer na. Pagtingin ko kay Ate at Loki nagapir na silang dalawa.
"Paano ako magaanswer kung may answer na!?"I asked them furiously. Natawa silang trese.
"Nakakaawa ka naman kasi. Pero hoy bata ka, huwag kang tatamad tamad jan, collage kana next year kaltukan kita jan."inirapan ko na lang si Ate, kahit kailan talaga wagas magpakaba.
YOU ARE READING
District Survival Online
Bilim KurguAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...