Chapter 61: Out of Financial

80 5 4
                                    

Akala ko...namin, magtutuloy lahat ng panalo namin tuwing sumasabak kami sa mini duel, mini clash at mini tournament na nakikita namin sa social media. Dahil sa laro namin with Ashes Install nagkaroon kami nang lakas ng loob para sumali nang sumali but it turns out it isn't a good decision.

I looked at them one by one. We are all gathered at the Sala as we stared at somehow, something and anywhere with Silence. Kanina, kakatalo lang namin ng sampong libo sa duel na sinalihan namin.

Sa puntong to, malaking malaki na ang problema namin. Paubos na ang pera namin.

"May pera pa kayo?"Brazil asked. We all shrugged.

"Meron pero konti na lang, this money I have is for the contribution rito sa bahay"Lachlan answered and the rest nodded.

"Magkano lahat ng talo natin?"tanong ni Langston. Si Langston pinapadalhan ng pera nang Lolo at Lola niya.

"For almost two months, we've been accepting defeats for already 40 times and lahat ng pusta eh 20 mil, so we already waisted 80 thousand"I answered after I compute in my head.

We all sighed violently as the sala filled with silence again.

"Masyadong mahal ang meron tayo sa bahay"sabi ni Kenji.

"Malamang, katorse tayo tapos palagi tayong naglalaro kaya siguradong tataaas talaga ang binabayad natin"sabi ni Lenox at napailing na lang.

"Paano hindi tataas kung babad kayo sa TV, lalo kana"pagtuturo ni Danica kay Lenox. Agad na sumama ang mukha ni Lenox.

"Bakit? Ako lang ba ang magisang nanunuod. Kasama ko naman sina Euphi ah, marami nga kami eh"depensa ni Lenox sa sarili.

Siguradong magaaway nanaman sila nito. Kapag talaga may problema kulang na lang magbuga kaming lahat rito nang apoy.

"Euphi? Siya ang maraming contribution rito palagi kaya wag mo siyang isal----"

Lenox cut Danica's words,"So ano? Kung si Euphi, ayos lang? Ayos lang kahit 24/7 na nakababad at walang hintuan."napakamot ako sa ulo dahil nadamay nanaman ako. Tuwing nagaaway damay palagi ang pangalan ko, either nasa defense side ako or nasa offense type, kulang na lang tawagin namin si Tyang Ami para makipag-face to face kaming lahat rito eh.

"May sinabi akong ganon? Ang sinasabi ko lang sana, kung nanunuod ka nang TV at patulog kana, patayin mo agad!"

Lenox laughed sarcastically,"Huwaw ha, ako pa ang sinabihan mo nang ganyan, ikaw nga tong magpapainit lang ng tubig may saksakan pa, bahay mo? Bahay mo?"

Hinayaan lang namin silang magbangayan dahil sanay na kami sa ingay ng Isa't isa kapag nagaaway.

"Bakit? Bahay mo rin? Syempre! Bahay natin! Nagbabayad tayo eh. I'm explaining and telling those things para naman matauhan ka na kailangan nating mag conserve nang electricity kasi wala tayong pera"hinampas na ni Danica ang unan na nakadagdag agad ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Si Langston naman nakaangkla na ang braso sa akin, malamang sa malamang bubulong nanaman.

"Sagupaang Marites at Mario. Kailan kaya ako mahuhulog sayo oh Martites, Maritites, Marites, marahil ako'y mahuhulog sayo sa dapitan kung saan ang itlog ko'y nakadapa sa may daanan"madramang pagtutula ni Langston, agad akong napakagat sa ibabang labi para pigilan ang tawa ko. Si Lachlan mukhang gago na agad nang nagtabon ng unan sa mukha

Si Langston proud na proud naman sa katarantaduhan niya.

"Then explain it to your self.....kayo kasing mga babae ang gagastos"

Agad na nagsalubong ang mga kilay ng mga babae.

"Tangina, bat kami nasali jan?"agad na nanghahamon na tanong ni Maddison.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now