Chapter 107: The Farewell Wildness

86 6 1
                                    

The party lights and sounds are wild, so as them.

Ano ba 'to? Farewell?

They're drinking too much alcohol especially the boys, cheer pa sila ng cheer.

Ang mga babae naman nasa may disco part na ng bar area nagsasayawan kasama si Loki. Ang gaga nag-twerk pa. Siya na ang papalit kay Nicki Minaj.

Ito lang naman ako nakaupo sa stool habang may hawak na cocktail. Ginawa ni Kuya Lucian 'tong mga cocktail, he's a professional bartender.

"Who wants some cocktail?" Pagsalita ni Kuya Lucian mismo sa microphone na nasa may area ng DJ. Danica operated the music for us. It was so cool.

"Me!"

Pumunta kaming lahat kung nasaan si Kuya Lucian. Mukha kaming mga bata na pinapanuod siya, cheer pa kami ng cheer.

Matamo by LIPIP is playing on the background.

Kuya Lucian do some trick and everyone was amazed by it. Nagvi-video pa kami.

I raised my phone naka-video ako sa front cam.

"Woi, magpakita kayo parang others!" Sabi ko kaya napalingon sila sa akin.

Si Danica at Sierra may tama na agad, hinalikan ako ng dalawa. Brazil cupped my cheeks and even kissed it. Napatawa ako ng hinalikan rin ako nina Maddison at Eustace. Loki pinched my cheeks.

I turned a little para ipakita ang mga lalaki.

Lenox, Lachlan, Langston, Link and Lionel raised their glass. Helix nodded at the camera. Rocco waved his hand. Dylan winked. Haruto smiled. In-Kyu just took a glimpse before sipping his drink. Inakbayan ako ni Iñigo at nag-peace sign pa sa camera.

Isa isa kaming binigyan ni Kuya. We all take a shot like there's no tomorrow. Mga party animal, sana sa laro ganito rin ka wild ano. Hoping.

I took a photo of myself drinking at agad na sinend kay Aexl, i didn't say anything, I just sent it to him.

"Picture tayo!"

Kaliwa't kanan ang pagbaling namin dahil nagpi-picture.

I raised my phone again, si Iñigo agad na dumikit sa akin at ngumiti sa camera. Napatawa ako dahil unang kita ko sakanya eh ang tahimik at ang sungit niya, idagdag mo na ang pagiging palaasar na sarkastiko.

"Ayusin mo naman, tingin ako ng tingin sa baba tuloy, liit mo kasi." Reklamo niya.

"Tangina mo, kasalanan ko bang kapre ka? Oh ayan, ikaw humawak." Sabi ko kaya kinuha niya rin.

Inakbayan niya ako sabay hila kay In-Kyu na hinila rin si Helix na hinila rin si Rocco na hinila rin sina Dylan at Haruto.

"Airdrop mo sa'kin mamaya." Aniya pagkatapos nilang gamitin ang cellphone kong pang-picture.

"Bukas, hindi ako mag a-airdrop ng lasing."

"Send mo 'yan kina Ate." Turo ni Iñigo sa picture naming dalawa.

"Tanga may group chat tayo diba. Bat di ikaw magsend?"

"Ayoko, para kunwari wala akong pakialam sakanila. Dali na, akala mo 'di ako kapatid sa batas ah."

"Gago ka, hindi ba tayo exempted don? Ayaw kitang maging kapatid."

"Aba malay ko, kahit naman maging magkapatid tayo sa batas, mukhang mas matanda ako kasi ang liit mo. Hanggang leeg lang kita." Tumawa si Iñigo.

Napairap ako. Ang hilig mang-asar. Pag naging k-pop idol 'to ilalabas ko lahat ng baho niya. Mukha pa naman siyang k-idol, isama niya na si In-Kyu.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now