Chapter 90: Last Clash for Chance

97 8 0
                                    

Gumising ako nang alas singko ng madaling araw with puff eyes, maaga akong natulog kagabi mga alas nuebe, tapos umiyak agad ako, ako lang naman magisa sa kwarto, kasi nasa labas pa mga kasama ko, kaya ayon. Sariling realization sabay dramahan with matching pangamba.

Bumangon ako. Tulog na tulog pa ang mga bebe girls kaya lumabas na lang muna ako. Pagbaba ko gising na si Ace at Rie, nasa sala lang silang dalawa nanunuod ng balita.

"Morning." I greeted that made them look at the stairs where am I walking.

"Morning." Ace greeted simply.

"Goodmorning, beh!" Rie greeted enthusiastically. I smiled and walked towards the kitchen.

Gising na ang mga Yaya namin kaya agad akong bumati sakanila.

"Euphrasia, mugto nanaman ang mga mata mo." Sabi ni Yaya Mimi. Napatango naman si Yaya Joren. Sila yung dalawang bago.

"Medyo may kadramahan lang, Ya." Nakangiting sabi ko.

"Asus, dramahan raw. Hindi warlahan? Ang lakas ng iyak mo nung dumaan ako." Naiiling na sabi ni Yaya Tabi, ang aming Muse. Napakamot na lang ako sa ulo dahil wala akong matatago kay Yaya sa tagal na naming magkasama.

I didn't answer, I just winked that made her shook her head.

Nagtimpla ako nang kape at agad na dumulong sa Sala kung nasaan andun sila. Si Ate Mika, Leo at Tobi gising na rin. Mga nakatihaya.

"Morning, beh." They all greeted.

"Morning." Sagot ko at naupo sa carpet at sumimsim ng kape.

"Wassap!" Agad kaming napatingin sa hagdanan. Magkaakbay na bumaba sina Sierra at Kuya Lachlan, ganon rin sina Maddi at Kuya Link pati na rin sina Brazil at Kuya Lucian. Habang si Langston ngiting ngiti at halatang energetic na, sa lakas ba naman ng bunganga.

"Goodmorning people! Mwuah! Mwuah!" Agad na binatukan ni Sierra si Langston.

"Ingay mo, bumaba ka na nga." Tinulak siya ni Sierra. Maarte namang umirap si Langston.

"Itong mga magjowang to! Sows pisos!"

"Inggit ka lang, layas na ron." Pagtaboy ni Maddi. Agad na naglakad papunta sa akin si Langston. Pagupo niya sa tabi ko, agad siyang sumandal hanggang sa nakatulog ang kumag.

"Anong ginawa nang batang to kagabi?" I asked them. Sa pagkakaalam ko ala una na sila nakatulog. Ang titibay rin, alas singko nagising.

"Counter strike kasama si Arel, Chevian at Noren. Anong oras na 'yan natulog, nauna pa kami." Sagot ni Kuya Lucian. Agad silang dumeretso sa kusina. Si Langston agad na inangkla ang braso sa akin at prenteng natulog.

"Matagal na kayong nagkakasama beh?" Tanong ni Ate Mika kaya napatango naman ako.

"Yep, five years na. Simula sa pagrecruit sa amin sa management na scam hanggang sa ngayon. Andaming nangyari pero magkakasama parin kami." I answered with a smile.

"Kaya pala, ang cclose niyo na. Unang una talaga akala ko bago pa lang kayo." Napangiti ako sa sinabi ni Ate.

Alas sais, nagsibabaan na ang lahat, gising na ang lahat at nasa sala kami. Kumpletong kumpleto. Sina Lucius at Kenji nagaaway kaya ito ako ngayon sa gitna nila.

"Bakit ako napunta rito?" I asked them. Sabay nila akong dinungaw at sabay ring nagiwasan.

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at pinagdikit."Magbati na nga kayo." Agad nilang binawi 'yon na akala mo nakakalason ang Isa't isa.

"Tss, bakit ako?" Tanong ni Lucius. Agad kong nilingon si Kenji at tinunggo.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong ko sakanya. Tinuro niya naman ang sarili niya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now