June 5, 2024
After three days nga na pananatili sa bootcamp ng Principium umuwi na nga rin agad ako, pero sa bahay nina Papa. Mabuti na lang talaga at walang may umaapi sa akin rito.
Yung buhok ko ganun parin pero unti unting bumabalik ang itim kong buhok. Hindi naman talaga Deep wave ang buhok ko, medyo wavy lang talaga pero dahil nga gusto ko yung medyo kulot ayon pina deep wave ko.
About sa Principium, sumasama ako sakanila sa pag-papractice, even si Papa sumasama rin, nagulat pa nga ako kasi Level 45 na si Papa habang ako nasa 30 pa lang. Hanggang ngayon hindi parin ako nakakapili nang Class dahil hindi ko talaga trip. And lastly, nalaman na nga rin nila kung paano mapatay ang kaluluwa nang creature and how to defend the book of gilgamesh, sakanila ko lang sinabi no.
Ngayong araw pupunta ako sa Airport kasi dadating ang mga Kapatid ko with their girlfriends. Tapos yung mga jersey namin na bago, ow yeah, meron rin ako. Pinagawan ako nina Kuya kasi marami raw akong naitulong, lol.
Mag momotor lang ako dahil ayaw kong sumama sa van, andun yung dalawang mahadera kong Tiyahin kasama sina Mama at Papa.
Dahil marami silang kaartehan sa katawan nauna akong pumunta sa garahe. I'm wearing a Tank Top with a chinese dragon print along with a cargo pants and combat boots again. Nagpapainit lang ako nang motor ng naglakad palapit sa akin si Papa.
"Ang lupit ng Anak ko. Kamusta?"tanong ni Papa, sa pananatili ko kasi sa bahay palagi silang wala ni Mama. Naiintindihan ko naman iyon kasi mga busy.
"Ayos naman pa"nakipagfist bump ako kay Papa.
Nagkamustahan kami ni Papa at nagkwentuhan lang tungkol sa DSO. Si Papa, kahit nakasuot lang ng plain white shirt at itim na trousers pero ang pogi parin.
"Wala ka pa bang boyfriend?"biglang tanong ni Papa kaya natatawa akong napailing.
"Jusko pa, hindi pa ako handa ron."
"Ganiyan rin sagot ng Mama mo sa akin pero siya pa ang naunang nagsabi saakin ng I love you."napatawa na lang ako nang biglang sumulpot si Mama sa gilid ni Papa habang nakapamewang.
Ininguso ko si Mama sa likod kaya agad na napalingon si Papa. Inakbayan ni Papa si Mama sabay halik sa pisnge kaya natawa na lang ako.
"Magingat ka Euphrasia"paalala ni Mama kaya sumaludo ako at agad na naglagay ng helmet.
Napairap naman ako nang sumulpot ang mga Tita ko. I beeped kaya bumukas ang gate.
"Grabeng suot yan. Pokpok ka ba?"tanong ng Isa
"Wag mo kong itulad sayo"agad kong sagot. Agad akong umarangkada at iniwanan sila nang usok at buhangin. Napangisi ako nang marinig ang ubuhan nila.
Una akong nakalabas sa Subdivision, dahil nga may suot akong ear piece na nakakonekta kay Papa naririnig ko sila.
"[Yang anak mo! Wala nang respeto!]"
Nabigla na lang ako nang si Mama ang sumagot,"[May respeto iyan, sainyo lang wala. Kung hindi niyo kinakawawa hindi kayo sasagot sagutin ng pabalang]"
"[Kampi ka na ron?]"
"[Oo, lalo na kung sumusobra kayo]"
Napangiti na lang ako at binilisan pa lalo.
"[Euphrasia, ang pagiging kaskasera mo]"tinig ni Papa.
"Just chill. I can handle my self"
"[I know, but still. Be careful. Huminto ka kaagad sa may resto, hihinto kami]"
"Noted"
Nang makita ko ang resto na sinasabi ni Papa agad akong huminto at pumunta sa may gilid. Lumingon ako sakanila, bumaba ang mga Tita ko kaya wala ako sa sariling napangiti dahil Family Time ngayon. Woooooh!!!
YOU ARE READING
District Survival Online
Ciencia FicciónAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...