REAL WORLD
Ito ako ngayon nasa harapan ng salamin habang inaayos ang tshirt ko, kabadong kabado ako pero hindi na pwedeng mag-back out kasi nasa Line-Up na ako. Alas siete trenta na ng umaga habang alas nuebe magsisimula ang League. Nakajogging pants lang ako na itim at puting sneakers habang nakabun ang buhok ko.
Pinauna ko sina Kuya kasi sabi ko dadaanan ako sa bahay. Huminga ako ng malalim at kinuha ang backpack ko at agad na lumabas habang hawak hawak ang susi ng motor ko.
Hindi na ako naghelmet at agad na lang na umarangkada. Pagpasok ko sa bahay nakita ko sina Mama at Papa kasama ang dalawang Tita namin.
Kung minamalas ka nga naman.
Wala nang choice, nandito na ako kaya naglakad na ako palapit sakanila at bumati.
"Nak, ano yung sinabi ng Kuya mong sasalihan mo?"nakangiting tanong ni Papa, si Mama naman seryoso lang na nakatingin saakin habang ang dalawang Tita ko nagjjudge nanaman ang mukha. Pinasadahan pa nila ako ng tingin, akala ko may sasabihin nanaman sila pero himala at tumahimik. Malamang walang malalait sa suot kong itim na jogging pants, puting sneakers at puting shirt rin.
"District Survival Online League pa, ni-Line up ako nina Kuya para raw practice ako. Dumaan lang ako rito para sabihin"nakangiting sabi ko.
Agad na tumayo si Papa at inakbayan ako, sabay kaming dumulong sa labas.
"Mabuti at may gagawin ka na rin. Masaya ka ba jan?"tanong ni Papa paglabas namib, malamang kaya kami lumabas para ilayo ako sa mga judgemental.
Nakangiti akong napatango,"Yeah of course. Marami na akong naging kaibigan"
Hinalikan ako ni Papa sa noo,"Galingan mo Anak. Kahit hindi na kayo manalo basta nagenjoy ka. Magiingat ka nakamortor ka pa naman"
Nagpaalam ako kay Mama sa loob at agad na umalis dahil sabi ni Kuya padaan na sila sa may street namin.
Kasabay ng paglabas ko sa subdivision ng bahay ni Mama ay siyang pagkakita ko ng Bus na sinasakyan nila, may Principium na nakatatak kaya madaling nakikita. Bumusina ako kaya bumusina rin sila pabalik.
Pagliko namin sa mall agad na lang akong napamura sa isipan ng makita kung gaano karaming tao ang nandito habang nagsisigawan at may dalang mga flag or tarpulins. Most Girls are hear cheering their babes.
Huminto ang Bus ng Principium. Paglabas nilang lahat ay siyang pagwawala ng mga Fans nila kaya napailing na lang ako, ang mga Kuya ko naman nakasunod rin. Lumingon sa akin ang Isang Editor nila na si Ate Samsam, bumaba siya sa bus at agad akong pinuntahan.
"Bebe, ako nang bahala sa motor mo, mahihirapan kang makapasok...inaantay ka nila"sabi ni Ate sabay turo sakanila na nakatingin sa akin.
"Sige po, thankyou"aniko at bumaba sa motor. Binigyan niya ako ng Jersey at jacket kaya agad ko iyong kinuha at tumakbo sa gawi ng Bus. Dahil babae naman ang driver at puro tinted ang glass dito na ako nagpalit ng jersey at sinuot ko na rin ang jacket.
"Bye Ate! Salamat!"sabi ko, kinawayan naman ako ni Ate.
Lumabas ako sa Bus at tumakbo sa gawi nina Kuya na nagaantay parin sa akin. Agad na humawak si Chevi sa akin sa braso.
"Gago, nahihiya ako"bulong ko kay Chevi ng makita ang mga tingin na ipinupukol ng mga tao.
"Syempre. Unang League to may babae na sumama. Principium is the best!"pagmamayabang niya kaya napangiwi ako.
"Hala, sino iyan?"
"Blingbling yung UN"
"Number 30"
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...