Yves James's POV"Ahh.. ehh. A-ako pala si Marie Cecelia." sabi nito na waring nahihiya at unti-unting ngumingiti.
Ewan ko ba kung bakit parang na curious akong lapitan ang babaeng ito kahapon sa canteen na busy sa pagbabasa at parang out of this world ang peg nito.
Minsan ko na kasi siyang nakitang naglalakad sa campus at palaging nag-iisa kaya iyon yata ang nagbigay lakas ng loob ko na lapitan siya at kausapin. Kaso bigla na lang itong tumakbo kahapon nang tanungin ko kung pwede bang makipagkaibigan. Pero ang cute nyang tingnan nung nag blush siya. Kaya hindi ko napigilang titigan siya at lalong ngitian.
Typical nerd type talaga siya pero hindi naman siya boring tingnan. Naaayon din naman ang sinusuot niya sa style niya. Sadyang hindi lang talaga siya showy sa kanyang skin. Very maria clara talaga. At ang buhok nya ay mahaba at palaging naka fishtail. Ang cute nga tingnan.
Hahabulin ko sana siya kahapon sa canteen kaso nakita kung may nahulog galing sa kanya. Kaya pinulot ko ang nahulog na panyo niya at ibibigay ko sana kaso bigla na lang siyang nawala sa aking paningin.
I guess may pag-asa pa talaga ako para maging kaibigan siya sa pamamagitan ng panyong iyon. Hahanapin ko siya bukas na bukas din, iyon ang pumasok sa isip ko.
At hindi naman ako nabigo kasi nakita ko siya dito sa may soccer field. Kasalukuyan kasi kaming tumatambay ng mga kaibigan ko malapit lang din sa pinagtambayan niya at ito nga siya nakaupo at nagbabasa. Seryosong-seryoso talaga siya sa pagbabasa kaya nilapitan ko at kinausap. Mahiyain talaga.
"Nice name. Ako nga pala si Yves." sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Tinitigan lang nito ang kamay ko at waring nagdadalawang isip na tanggapin.
"Tha-thankyou. Nice to meet you." sabi niya at tinanggap ang kamay ko. Shy type talaga siya.
Ang lambot naman ng palad niya, at makinis talaga. Bigla tuloy akong napatitig sa kanya. Shock ako kasi ang ganda niya sa malapitan, ngayon ko pa lang siya natitigan ng maayos. Bakit ba walang pumapansin sa kanya? May mga kaibigan din ba siya?
Ang ganda sa pakiramdam na may kaibigan na akong bago ngayon.
Ako nga pala si Yves James Fortalino. Everyone call me as James and only my friends call me Yves.
Known ako sa pagiging playboy kahit hindi naman. Oo, gwapo ako. Given na kasi iyon sa akin. I am a 2nd year student of Business Administration in this campus. Ako ang binansagan nilang campus hearthrob dito sa school namin. Ewan kung bakit. Noong una nakakailang at very awkward kung magtitilian ang mga babae at pati na rin bakla. But I get used to it.
Mabait ako sa mga mababait din sa akin. Ayaw ko kasi iyong inaabuso ako sa aking kabaitan.
"I hope you don't mind kung makikipagkaibigan ako sa iyo." nakangiti kung sabi sa kanya. Nakatingin ito sa ibang direksyon at waring nag-iisip kaya napatingin ito sa akin.
Walang reaksyon. Mukhang ganun naman talaga siya palagi.
Hindi man lang ako sinagot. Ang hirap pala makipag-usap sa taong hindi ka sinasagot noh?
"Ano ba ang course mo?" I said to open some topic.
"Uhhm.. medicine." nakayukong sabi nito.
"Ahh ganun ba. Mahiyain ka talaga noh?" bigla kung nasabi sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin. At... namumula ang kanyang pisngi? Bakit kaya sya nagbublush?
BINABASA MO ANG
Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018
General FictionRated SPG! Para lang ito sa mga matatanda na ang utak at mga taong open minded. Copyright © 2015 by MainchickMSN