Chapter 10

11.9K 160 1
                                    

Na curious naman ako kaya tumayo ako at lumapit doon  kasi hindi ko marinig ng maayos ang sinasabi.

Nag eeavesdrop na naman ako. Bat ko ba ginagawa ang mga bagay na hindi ko dapat gawin o hindi ko pa nagawa dati?

"Ang tanga tanga mo talaga! Paano kapag nagalit siya sayo?" dinig kung sabi nung pamilyar na boses.

Hindi pa ako masyadong nakalapit. Nakatayo ako sa may maraming dahon kaya hindi ako makikita ng kung sinong nandun.

Tumawa ito. Sino kaya kausap niya?

"Grabe lang! Inosente pa iyong tao minamanyak mo! Haha! Wala ka talagang modo! Langya lang!" sabi nito saka parang natatawa na ano.

Umusod ako ng konti para makita kung siya nga ba talaga iyon.

"Bakit ba kasi ang ganda niya, kaya tuloy nahalikan ko siya. Hayss.. Hindi naman sana iyon ang plano kung gawin pero kusang nanghahalik tong labi ko eh."

Si Yves. Nag-iisa sa dilim na naka upo sa bench at may hawak-hawak na beer.

Para syang tanga sa posisyon niya.

Akala ko pa naman na may kausap siya, yun pala sarili lang niya kausap niya.

Nahiya ako dun sa sinabi niya..

Tumunga ito ng beer.

"Haha.. Mahal ko na yata siya eh.." saka ibabato sana iyong bote ng beer.

"Tama na iyan." awat ko sa kanya.

Napatingin ito sa akin at ibinaba ang bote.

"Grabe! Ganda mo Cecil... Gago talaga itong utak ko oh, nakikita ko na naman siya.. At ang saklap, nakakausap ko pa. Wow! Hi Pretty girl." sabi nito saka kumaway sa akin.

Naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon na natatawa. Para kasi siyang tanga.

Nilapitan ko siya para alalayang makatayo at makapasok na sa loob.

Ano ba kasi problema nito? At iyong sinabi niya kanina na mahal na daw niya ako.. Gusto kung maniwala pero takot din at the same time.

"Anong gagawin mo sa akin? Hahalikan mo din ba ako?" biglang sabi nito kaya imbes na hawakan siya para alalayang makatayo ay na estatwa ako sa harapan niya dahil sa sinabi niya.

Bigla tuloy akong natakot. Teka? Halik lang naman yun, bakit naman ako matatakot?

"Halika, wag ka na lang umuwi sa inyu, ihahatid na lang kita sa isa sa mga guest room sa itaas." sabay hawak ng kamay niya.

Bigla yata akong nakuryento paghawak ko sa kamay niya. Para kasing may mga bultahe sa katawan nito na nakakakuryente.

Ano bang feeling ito? Ito ba iyong sinasabi nilang love sa mga love story?

"Nakuuu! Nag abala pa si pretty girl. Pero sige na nga! Sasama ako sa iyo." saka ito tumayo.

Inalalayan ko na siya at nagsimula na kaming maglakad habang ito ay paulit-ulit na nagsasabing napamahal na daw siya sa akin. Ang awkward kaya ng sitwasyon namin.

Pa giwang-giwang itong naglakad at nahihirapan ako kasi ang bigat niya.

Nang makapasok kami sa loob ng sala ay hihingi sana ako ng tulong sa mga kasambahay pero naalala kung pagod din ang mga itong naglinis ng mga kalat kanina kaya ako na lang ang magdadala ni Yves papuntang itaas.

"Lasing ka na mga yata kasi halos hindi mo na makayanang maglakad eh. Ang bigat mo pa naman." sabi ko habang tinatahak namin ang hagdan.

"Ay Hehe sorry pretty girl. Hindi naman ako lasing eh, nakainum lang."

Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon