Yves's POVNa touch ako sa scene na iyon.
Pinilit ko kasi si tita na umuwi dito sa Pinas para lang makadalo sa birthday ni princess. Her only daughter, Tiffany.
And I know iyon lang din naman ang tanging hiling ng pinsan ko.
Ang makasama ang mommy nya sa birthday nito.
Nag salo-salo na kaming lahat.
Ang mga imbitado ay ang malalapit lang na kaibigan ng pamilya namin at mga kapamilya din.
Hindi ko talaga maiwasang tingnan si Pretty girl sa malayuan.
Nakangiti lang ito habang kausap si tita, ang mommy ni Tiffany.
Ipinakilala kasi ng pinsan ko ang kaibigan niya sa mommy nito.
Mahiyain talaga siya.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.
Feel ko na sanang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kaso panira ng moment itong pinsan ko kaya naantala tuloy ang plano ko.
Pinilit kung lumayo at umiwas kay Pretty girl para malaman ko talaga kung ano ba itong nararamdaman ko sa kanya.
I need some assurance kaya nagawa ko iyon.
And when I figure out kung ano nga itong naramdaman ko sa kanya hinanap ko talaga siya.
Sobrang saya ang nadarama ko kanina nang makita siya at nakausap.
Ewan kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na lapitan siya. Inakbayan ko pa siya at para na ring niyakap. Kapal talaga ng mukha ko.
Alam kung nalilito siya pero hindi ko talaga mapigilan sarili kung yakapin siya.
Naka upo lang ako sa mesa sa may garden kasama ang mga pinsan ko habang umiinom ng beer.
Kitang-kita ko si pretty girl sa malayo.
Nagpaalam muna si tita sa kanya kaya this is my turn to shine.
Ano ba ito. Para tuloy akong na babakla.
Kakausapin ko na siya at sasabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.
Papalapit na ako sa kanya nang lumapit si Travis sa kanya. Kaibigan at ka klase ko.
Invited siya sa birthday ng pinsan ko kasi magkababata kami.
"Hi nerdy girl." dinig ko pang sabi nito kay pretty girl. Papalapit na ako.
Tiningnan lang siya ni pretty at ngumiti.
"Anong pangalan mo?" si Travis.
"She's Marie." sabi ko nang makalapit na sa kanila.
Mukhang hindi ko kayang makita na may kumakausap at lumalapit sa kanya.
Tumingin silang dalawa sa akin. Nginitian ko si pretty girl.
"Oh ikaw pala bro." bati ni Travis sabay hawak ng braso ko.
Tinanguan ko lang siya.
"Kanina ko pa hinahanap si Tiffany eh. Hindi ko makita kaya nilapitan ko bestfriend niya." paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018
Fiksi UmumRated SPG! Para lang ito sa mga matatanda na ang utak at mga taong open minded. Copyright © 2015 by MainchickMSN