Chapter 26

6.7K 93 1
                                    

Nasa room na ako at nagpapahinga.

Bwesit na bwesit pa din sa nangyari kanina.

Sabay-sabay daw kami mamaya mag dinner sabi ni Clark.

Imbes na ngayon daw siya magpopropose. Bukas nalang daw kasi baka maghinala pa si Karmin.

Hapon pa naman. Nagmumukmok pa din ako dito sa loob ng room ko. Gusto ko sanang share nalang kami nila Karl kaso nandon kapatid nito.

Si Travis naman. Mamayang gabi pa makakapunta at kasama nito si Tiffanny, iyong pinsan ko.

Siguradong sa isang kwarto lang ang mga ito. Total, ikakasal naman din sila. Hays.

Bakit ba ang bitter ko ngayon. Halos nasa paligid ko ay may ka partner o di kaya ay mag-aasawa na.

Nasaan kaya si Cecil sa mga oras na ito?

Nakalimutan ko nga palang itanong sa PI ko kung single pa ba si Cecil.

Sana naman single pa din. Andami ko pa kasing plano para sa aming dalawa.

Siguradong guguho talaga ang mundo ko kapag nalaman kung may iba na siya. Ayaw ko ng ganun. Siya lang halos minahal at inasam ko sa buong anim na taon.

At ngayong bumalik na siya, di ko mapigilan ang sayang nadama ko sa pag-asang may mabubuo pa sa amin ngayon.

Naisipan ko nalang tuloy na lumabas at magpaanod sa sigla ng dagat at tanawin nito.

Nang makalabas ako, dumiritso ako sa may tabing dagat, nilalaro ng paa ko ang buhangin.

Umupo ako sa buhangin, nasa may medyo tahimik ako pumwesto, malayo sa mga tao pero may narinig akong sigaw at parang masaya sila.

"Ano ba yan! Walang ganyanan oy!" dinig kung sabi nung pamilyar na boses ng babae.

Napatingin ako sa direksiyon na pinanggalingan nito.

Nung una hindi ko pa masyadong maaninag ang kanilang mukha na naghahabulan pero nang medyo huminahon sila sa paghahabulan ay nakita ko ang mukha nung babae.

Biglang sumikdo yung puso ko, indikasyon na sa kanya lang talaga tumitibok ito.

Napangiti ako ng malawak nang makita ang masaya niyang mukha pero parang slow motion din na bigla ring napalis ang ngiti ko dahil may lalaking biglang humawak sa beywang niya dahilan para mapasigaw ito na waring nakikiliti.

Unti-unti namang napupunit ang puso ko sa nakita. Di ko maatim na matingnan ng matagal ang insidenting iyon kaya naisipan ko nalang na lumayo. Bumalik sa room ko.

Ito ba ang sinasabi niya na may dapat pa siyang tapusin? Anong ibig sabihin nito? Iyong dapat ay para sa amin?

Sa nakikita ko may boyfriend na siya at masaya na din. I guess kailangan ko nang mag move on. Dapat ko nang tanggapin ang katotohanan kahit na sobrang sakit.

Sobrang sakit talaga na halos parang ayaw ko nang huminga.

Kasalanan ko naman ito eh, kung di lang sana ako nag assume na may pag-asa pa sa aming dalawa, hindi na sana ako nasaktan ng ganito.

Kahit masakit at parang dinudurog ang puso ko, wala na akong magagawa. May mahal na siyang iba.

Hindi ko pa din kayang makita siya na may kasamang iba.

Bumalik ako sa room ko.

Gusto kung magwala sa sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit. Ang potaa lang.

Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon