Chapter 22

7.6K 89 3
                                    

Bumalik ako agad sa kwarto ko pagkatapos kung kumain.

Natutulog pa din si Bryle kaya naisipan ko nalang na hindi siya gisingin.

Umupo ako sa gilid ng kama. Tinitigan ko siya. Pagod na pagod nga ang gwapong mukha nito.

Noong una kaming nagkita sa states ay hindi ako makapaniwala na bakla nga siya. Kasi noong bata pa kami hindi naman siya bakla, I remember that we're still 9 years old that time. Siya pa nga itong nakikipaglaban sa mga bumubully sa akin. Our parents are close kaya naging close din kami. But nung nag migrate na sila sa states, ilang buwan noon ay namatay din parents niya dahil sa plane crash. May pupuntahan daw dapat itong business trip.

Napabuntong hininga nalang ako. Paano kaya niya nakayanan ang sakit na nadama niya noong nawala ang mga magulang niya?

I guess nakayanan niya iyon. He's a brave one.

Bigla itong gumalaw at umungol na parang pagod na pagod. Tiningnan ko lang siya.

Inimulat naman nito ang kanyang mga mata. Para naman itong nagulat pagkakita sa akin. Ngumiti ako.

"Kanina ka pa ba dyan? Are you insecure with my beauty?" sabi nito.

I just rolled my eyes.

"I'm sure that you're so very insecure sa beauty ko kasi mas maganda pa ako sa iyo." at umirap siya sa akin.

"In your dreams!" saka tumawa ako.

Bumangon na ito at umupo sa kama.

Naisipan ko naman siyang tanungin kung kailan lang sya dumating.

"Kelan ka lang ba dumating?" sabi ko at umayos ng upo.

Tumingin naman siya sa akin.

"Kaninang umaga lang." simpleng sabi nito hindi alintana ang pagkagulat ko.

"Seriously?! Urgent ba talaga ang pagpunta mo dito kasi kahit pagpahinga man lang ng ilang oras ay hindi mo ginawa para mahanap lang ako?" gulat na sabi ko.

"Yes my dear. Baka kasi it takes months bago ma approve ang divorce. And you have to come with me back in L.A next week." sabi niya.

Napanganga ako.

"Akala ko ba urgent? Bakit next week pa?" naguguluhan kung sabi.

"Excuse me! Aren't you going to let me stay for a while here in the Philippines and make a short vacation? Really. I miss this place." gulat ding sabi nito.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yun naman pala eh. Okay, bakasyon kaya tayo sa Palawan? Since kasi dumating ako dito ay palagi lang akong nasa bahay at minsan pumupunta ng mall para bumili ng kahit ano." balewalang sabi ko.

"Sounds nice. I want to go to beach din kasi and feel the heat of the sun. Kelan ka lang ba dumating?" saka tumayo at inayos ang sarili.

Tumayo na din ako.

"Actually running five days pa lang." at lumapit sa maliit na couch sa room ko.

Laglag naman ang panga nitong tumingin sa akin.

"What the! So bago ka palang dito?" gulat ito.

Tumango lang ako at umupo sa couch.

"Okay lang ba sa iyo na sumama sa akin sa states next week? Your parents? Okay lang din kaya sa kanila?" kunot noong tanong nito.

"On the first question, okay lang naman sa akin. Second, kailangan pa nating magpaliwanag sa kanila. Lastly, im sure maiintindihan din nila." chill kung sagot at nag de kwatro.

Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon