Chapter 1

32.5K 217 2
                                    

6 years ago.....

I was in the school canteen. Usually for normal students, they eat but me? I'm reading books. I love to read in my available time like right now. Break time kaya may time akong magbasa.


Tapos na din akong mag snacks so I guess may oras pa at malayo pa para sa next subject ko kaya nagbasa muna ako.

Ganun ako palagi. Nasa daily routine list ko na ata yun at hinding-hindi yun mawawala. Hobby ko na ehh.

Loner ako kaya nag-iisa ako ngayon. Wag nalang kayo magtanong kung bakit pero kapag pinilit nyo pa, wala akong choice kundi sabihin sa inyu.

Okay.. loner ako kasi wala akong friends. May friends nga pero hindi naman ganung kagaya ng iba na close talaga. As in wala akong friends o ka close sa school na ito ever since. Kung meron nga ay hindi naman nagtatagal. Ewan ko ba kung bakit. Maybe because im too plain and boring to be with. Sanay na din naman akong nag-iisa.

Matatawag ko lang silang kaibigan dahil nagpapansinan lang gamit ang tango, ngiti etc. Hindi ko sila nakakausap. Minsan nakakausap pero yun lang kapag may gustong itanong o may gustong magpatulong.

I'm Marie Cecelia Dominguez. Seventeen years old and taking Medicine. Yun kasi gusto ng parents ko. Wala naman akong choice doon kundi gawin. As usual, hindi ako sumusuway sa lahat na gusto nilang mangyari sa akin kasi para din naman iyon sa akin.

First year college ako ngayon at medyo nakasanayan ko na rin ang daloy ng mga studyante sa skwelahang ito. Pero di masyado. Nakakailang pa rin.

Prenting nakaupo lang ako sa upuan ng school canteen nang may lumapit sa akin. Hindi ko nalang pinansin baka hindi naman ako iyong lalapitan kaya minabuti ko nalang na magbasa at itinuon ang lahat kung atensyon dito.

"Eheeermm.." rinig kung tikham ng tao kung sino man sya na lumapit sa akin. Hind ko nalang siya binigyan ng pansin kasi nakakadistract siya sa ginagawa kung pagbabasa. Baka trip lang niyang mang-asar at sana naman hindi ako ang punterya.


"Eheeerrmm.." ulit nito pero wala pa rin akong pake. Tawagin nyo man akong snob, pero baka mapahiya lang ako kaya hindi ko na lang papansinin. Ang hirap mag assume na may magbibigay man lang sa akin ng atensiyon.


"Eheeerrmm..." ulit pa rin nito. May sakit ba ito at parang pinapahawa sa akin? Nakakadistract na talaga siya. Seryoso pa naman ako saking binabasa.


"Eheeee-" hindi ko na siya pinatapos dahil tumingin na ako sa kanya. Isang lalaki? Bubullyhin na nman yata ako. Kaya kinuha ko na lang ang libro ko at tatayo na sana nang magsalita sya.


"Wala ka bang kasama?" natigilan naman ako kasi hindi pang bully iyong tono ng pananalita niya sa akin. Kundi malumanay lang at maganda sa pandinig ko. Tiningnan ko siya. Hindi ako mahilig sumagot masyado lalo na sa mga hindi ko pa kakilala kaya minabuti ko nalang na manahimik at hinintay siyang magsalita ulit.


Ngumiti siya sa akin. Halos malaglag naman ang panga ko sa ngiti niya. Ba't ang cute ng smile nya? At ang puputi ng kanyang pantay-pantay na ngipin. Ikiniling ko na lang ang aking ulo para iwasan iyong mga iniisip ko sa lalaking ito. Ngayon pa lang kasi ako nakapag appreciate ng ngiti ng tao at lalong-lalo na sa isang lalaki bukod sa kapatid ko. And to think na may pumansin na lalaki sa akin ngayon at nginitian pa ako.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang iaakto ko sa kanya kasi parang awkward. Milagro dahil may pumansin talaga sa akin.

"Uhhmm.. miss? Wala ka bang kasama?" bigla tuloy akong parang nabuhusan ng malamig na tubig. Kaya naman para akong nagulat.

"Ahhh.. ehhh.. ahhmm..." kandautal kung sabi. Nahihiya kasi ako. Hindi ako sanay.

Ngumiti ulit siya at nadala na din ako sa kanyang ngiti kaya ngumiti ako, pinashy smile. Alam nyo yata yun diba?

"Silly. Can I sit here?" sabi niya sabay turo sa harapang upuan ng mesa ko.

Tumingin ako sa paligid and I notice na nakatingin silang lahat sa amin. Halos lahat na estudyante na nandoon sa canteen. Napayuko ako at lalong nahiya. Hindi ako sanay na tinitingnan.

"Okay. I will sit here, I guess you won't mind naman diba?" sabi nung lalaki na kumausap sa akin at umupo saking harapan. Tiningnan ko lang siya. Ngiting-ngiti pa rin. May sakit ba ito? O baka may sayad? Hmm.

Hawak-hawak ko na ang libro kung dala at ang maliit kung pouch na may mga ballpens at etc. Kaya naisipan kung umalis na lang doon at maghanap ng ibang mauupuan nang bigla niyang hawakan ang braso ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Bigla akong kinabahan. Iyong kaba na hindi takot pero napakahirap e explain?

"Don't walk away. 'Wag kang matakot sa akin. Gusto lang naman kitang maging kaibigan." ngiting sabi nito. Shock registered on my face di dahil hawak niya braso ko o maybe isa na yun sa dahilan pero ang main reason bakit nagulat ako ay dahil iyon sa huling sinabi niya.

Gusto lang naman kitang maging kaibigan....


Gusto lang naman kitang maging kaibigan....

Gusto lang naman kitang maging kaibigan....


Gusto lang naman kitang maging kaibigan.....


Isa pa!


Gusto lang naman kitang maging kaibigan....

Pa balikbalik iyong sumisigaw sa utak ko ang huli niyang sinabi. Still, shocked pa rin ako kaya bigla tuloy akong napailing. Binitawan na niya iyong braso ko.

Napakunot-noo sya. Ewan ko kung bakit.

"You don't want me to be your friend?" sabi nito. Kaya bigla akong napaisip. Sinong may sabing hindi? May sinabi ba akong ganun? Nahihiya ako.


"Ha? Ahh... ehh.. ano... ano..." putol-putol kung sabi. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

"Ano?" nakakunot-noo pa rin nyang tanong.

Bumuntong-hininga ako. At lakas loob na nagsabi ng...

"Hindi naman sa ganun.. ano kasi..." heto na naman ang pagstustutter ko. Nakakahiya tuloy.

"Ano nga? And why are you blushing?" from kunot noo to smile ang reaction nya kaya naman napayuko ako. Talaga bang nagbablush ako? Kakahiya talaga. And oh? I feel warmth in my face baka yun na yung blush na sinasabi niya.

Nang ma realize ko ang ginawa ko ay bigla tuloy akong napatakbo palabas ng canteen habang ang mga estudyante ay nakatingin sa akin.

Ano ba ang nagyayari sa akin?

-----------------------

Hi! Okay lang ba? Cge ipagpatuloy nyo lang. Hehe.

Mag uupdate pa ba ako o hindi? hahahaha

MSN :]

Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon