Chapter 2

24.9K 207 3
                                    

Nakahiga ako sa kama ko at pilit iniisip ang insidenteng nangyari kanina sa school canteen.

Hindi maittanggi na gwapo nga siya. Pero sayang kasi hindi ko siya nakilala.

Teka? Did I just say gwapo sya? Oh no! This can't be....

And.... Oh! His smile.

*tok tok tok*


Bigla akong napatingin sa pinto ng kwarto ko.

*tok tok tok*

Ulit nito kung sino man yang kumakatok.

"Sino yan?" sabi ko.

Eh kung kasambahay lang namin, dapat kanina pa ito nagsalita pero wala talagang nagsasalita.

*tok tok tok*

Sino ba talaga to?

"Pasok ka...." sabi ko nalang. Busy ako sa pag iisip eh. At opo may new hobby na ako. Iyong mag isip.

*tok tok tok*

Hindi naman ako tamad pero kapag sinabi kung pwede nang pumasok ay may pumapasok kaya naman tumayo na ako at binuksan ang pinto. Walang tao.

Don't tell me may multo sa bahay namin? Hindi ako lumabas. Nakatayo lang ako sa loob ng kwarto ko. Hindi rin naman ako takot. Pero na curious ako kaya lumabas ako.

"Boo!"

"Waaaaaaaaaaaahhhhh!" sigaw ko at diridiritsong pumasok sa kwarto ko at hindi man langisinirado ang pinto.

Nagtalukbong agad ako sa aking kumot dahil may nararamdaman akong may pumasok sa kwarto. Sino ba kasi iyon? Hindi ko nakita ang mukha eh. Hindi ako matatakutin pero kinakabahan na ako. Dalawang araw na ring hindi umuuwi parents ko dahil sa meeting nila doon sa Davao. At ang kuya ko naman ay hindi na din umuuwi dito kasi may sarili na itong condo unit at doon ito dumidiritso galing sa trabaho.


At ako? Well. Dito lang sa bahay kasi bata pa ako para bumukod total nag-aaral pa naman ako at wala akong sariling pera. Sa parents ko pa rin ako nanghihingi.


Nararamdaman kong lumalapit sya sa akin kaya napasigaw na lang ako.

"Kung sino ka man! Pwede bang wag mu akong gambalain! Please lang maawa ka!" naiiyak ko nang sabi. Ewan kung bakit bigla akong natakot.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" dinig kung tawa ng multo? May tumatawa bang multo? O multo nga ba iyon?

Tumatawa pa rin sya kaya I decided na tingnan kung sino yun.

"Ku-kuyaa?!" gulat kong sabi.

Akalain nyo pinagtripan ako?


"Hello there little sister." tumatawa pa ring sabi nito. Umismid nalang ako at tumalukbong ulit at humiga.

"Wala ka pa ring ipinagbago little sister." sabi nito na medyo nakakarecover na sa nangyari.

"I hate you kuya." sabi ko habang nakatalukbong.

"You always did. And hey! I just want to tell you na im going to stay here in few days para may makasama ka. Kasi mukhang matatagalan pa parents natin doon kasi nagkaproblema sa kompanya. Goodnight little sister!" sabi nito at umalis na.

Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon