Chapter 7

12.2K 138 3
                                    

Yves's POV

I sigh.

Iniisip ko pa din si Pretty girl.

Nasaktan talaga ako sa nakita ko kaninang umaga.

Hindi ko maatim na tingnan siyang umiiyak.

How I wish to hug her just to make her feel safe. Pero hindi ko yun magawa.

Baka bigyan niya iyon ng malisya.

Bakit ba kasi pinapakialaman siya nung mga babaeng iyon. Wala namang ginawang masama si Pretty girl sa kanila.

Kung makapagsumbong naman iyong blonde ang buhok sa akin at yung mga kasama nito, parang matagal na kaming magkakilala. Ni hindi ko nga sila kilala.

Sabagay, kilala nila ako kasi isa ako sa sikat na basketball players dito sa campus at binansagan ding hearthob.

Mabuti na lang at naisipan kung tumambay malapit lang sa gate kaya nakita ko ang nangyari.

Pupunitin sana nila ang uniporme ni Pretty girl. Mabuti na lang at naawat ko.

"Mr. Fortalino. Are you with us?"

Bigla akong napapitlag. Oo nga, nag me meeting kami ngayon ng coach namin kasi may sasalihan kaming basketball competition sa mga susunod na buwan at mag rerepresent kami sa pangalan ng school namin.

"Uhh.. Yes coach." sabi ko nalang kahit na lumilipad iyong utak ko.

"Okay good. Meeting adjourned. Iyon muna for today." end ng coach namin sa meeting.

Nagsialisan na ang mga ka teammates ko sa gym pati ang coach namin, ako na lang at si Travis ang nandun.

Pansin ko lang. Kanina pa ito malungkot. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Bro? Ano nangyari sayo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa ah?" nakangisi kung tanong sa kanya.

Nilingon ako nito at ngumiti ng mapait.

May problema nga talaga ito.

Sa tagal ko na siyang naging kaibigan, kabisado ko na kung masaya ba ito o hindi, may problema ba ito o wala.

Gaya na lang ngayon.

Nakangiti nga ito pero hindi naman umaabot sa mata.

May iniinda itong problema sa nakikita kung expression nito.

Joker ito at maingay pero ngayon ang tahimik niya.

Lumapit ako dito at inakbayan.

"May problema ba? Share mo sakin para naman mabawasan iyan."

"Wala lang ito bro. Hindi pa kasi sure. Sige una na ako sa iyo." saka tumayo at tuluyan nang umalis.

Naiwan naman akong nagtataka pero binalewala ko na lang.

Tapos na ang klase ko sa araw na ito.

Hapon na din at marami nang estudyante ang nag siuwian.

Nasa parking lot lang ako at nakasandal sa kotse ko, may hinihintay. Hindi ko alam kung sino pero parang may hinahanap ako na gusto kung makita hanggang matapos ang araw bago ako makauwi.

I feel something weird about myself na these past few days.

"Oh ba't nandito ka pa?" tanong ng pinsan ko nang makalapit ito sa akin.

Sexually Addicted To You (R-18) #WATTYS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon