Chapter 31
Christmas Gift
🍁🍁🍁
Rain Point of View
Nagawa lang ako ng mga gawain para hindi na ako gagawa sa susunod na araw at sulitin na lang ang holiday vacation namin. Nandito ako sa kwarto habang ang iba kong kapatid ay may kanya kanyang ginagawa. Si Kuya Thunder ay nagluluto, si Ate Summer ay naglilinis ng bahay. Tapos si Storm naman ay nakatambay lang sa labas ng bahay.
"Sa wakas tapos na rin ako." bulong ko sa kawalan habang nag iinat ng katawan dahil sa haba ng oras na ginugol ko sa pag aaral. Para wala na rin akong gawin at hindi na ako mahirapan sa susunod na mga araw.
Beep!
Tinignan ko ang phone ko na umilaw na nasa table ko. Nakita ko ang pangalan ni Zen. Tinignan ko ang message nya kung ano ang laman nito.
From: Zen Bato
You're busy?
Bakit kaya sya nag text? Bukas pa naman ng gabi ang noche buena ah? Hindi kaya hindi nya alam na date ngayon kaya excited nya akong papuntahin sa kanila?
To: Zen Bato
Not really. Why?
Bigla tuloy akong natuwa ng nag text sya sa akin. Tumayo ako sa aking inuupuan at lumipat sa double deck na kama namin. Humiga ako doon at hinintay mag text si Zen.
Beep!
Madali kong binuksan ang phone ko at tinignan ulit ang message nya.
From: Zen Bato
So what are you doing?
To: Zen Bato
I just finished my school works.
Nagdalawang isip pa ako bago ito isend. Hindi ko alam kung pahahabain ko ba yung message ko sa kanya o magtatanong din ako? Pero sa huli yun din ang message na i-sent ko.
He didn't reply. As expected! Dapat pala hinahabaan ko yung message ko sa kanya. Itext ko kaya sya? Kaso nahihiya ako bigla kung gagawin ko yun. First time ko lang ginagawa ito kaya siguro ganito yung feeling na parang gusto ko pa mag demand na itext nya ako.
Tinignan ko yung phone ko at napaisip kung itetext ko ba sya. Pero dahil gusto ko syang makausap nag type na ako para maitext sya.
To: Zen Bato
Eat your lunch and don't skip it okay?
Napakagat ako sa aking labi bago sinarado ang aking phone. Dala dala ko ito hanggat sa paglabas ko. Nagulat pa ako ng makita ko si Yniel Von na nandito sa bahay namin. Napatagilid tuloy ang ulo ko dahil sa pagtataka.
Ano naman ginagawa nya dito?
"Oh, Hi there young Andaza." wika nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bago bumaling kay Ate Summer na naka upo sa upuan at naka cross arms itong kaharap si Von.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...