Chapter 18
Montello cousin
Zenny Azrah Montello Point of View
Tinignan ko ang tatlong nasa patio area. Talagang hindi pa sila naalis? Nakabihis nga, pero mukhang walang balak tumayo sa inuupuan. Tinignan ko kung ano ang ginagawa nilang tatlo. Si Damien ay nag lalaro sa kanyang phone. Si Zenon naman ay nagbabasa ng libro habang si Zen naman ay naka sandal sa headrest.
Lalagpasan ko sana sila at mauna ng umalis kaso narinig ko ang pag uumpisang salita ni Zenon.
"Gusto mo bang makakita ng taong nagdudusa?" biglang tanong ni Zenon. Tinignan ko ito at nag cross arms ako. Ano naman ang pakana ng isang 'to?
Tumingin ito sa akin habang nakangisi. Pinakita nya ang kanyang librong hawak.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya
Muli itong nakangisi sabay baling kay Zen na gumalaw ang ulo para tignan ng masama si Zenon. Nag aaway ba itong dalawa? Bakit malimit ang sagutan itong dalawa ngayon?
"Bakit hindi mo hintayin ang mangyayare kay Zen?" makahulugan nitong sagot bago muling nagpatuloy ito sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...