Chapter 24

80 3 0
                                    

Chapter 24




Conversation





Rain Point of View




Napatulala na lang ako habang nakatingin sa pagkain. Nandito kami ngayon sa cafeteria habang kumakain. Kausap ni Thea si Hara at Ency. Habang kami ni Narri ay tahimik lang. Mukhang parehas ata kami ng pinagdadaanan ngayon. Halos hindi nga namin magalaw yung kinakain namin. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya dahil umalis sya kagabe. Pero inaasar din sya nila Thea, Hara at Ency.




"Yung isa dyan niluhudan ng isang miyembro ng Abo. Tapos yung isa naman dyan hinila yung bewang na galing naman sa Asul. Ang haba ng hair natin ghOrl!" sabay tawa ni Thea na sinabayan naman ng dalawa.





Hindi na lang namin sila pinansin dahil masyado pa kaming shock sa nangyare kagabe. Parang hindi pa nga nag si-sink sa akin ang lahat eh.





"Sana all may partner," kantyaw ni Hara




"Gusto ko din mag paganda." sabay nguso ni Ency





"Hindi naman ako maganda." wika ko sa kanila. Nagkatinginan pa silang tatlo bago umiling. Humalumbaba sila pagtapos nilang iligpit ang tray nila. Tapos tumingin sila sa akin.




"Maganda ka naman talaga Rain pero mas nangibabaw yung ganda mo ngayon dahil nagpa dyed hair ka." wika ni Hara





"Korek ka dyan, sis. Si Narri naman ever since na maganda yan. Kutis mayaman, check na check." si Ency ang sumagot


Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon