Chapter 19

63 2 0
                                    

Chapter 19




Violin and piano



Rain Andaza Point of View


Ilang araw ang nagdaan matapos ang sembreak. Noong gabing yon ay nagkaroon ng problema. Marami daw na kalalakihan ang sumugod kala Ate Summer kasama si Von habang naglalakad pauwi. May dala dala pa daw itong mga armas kaya naghingi na ng tulong si Von. Ang kwento pa ay alam naman nitong kaya nyang talunin ang kaso inaalala niya ang kalagayan ng kapatid ko.





Pagtapos non nagpahinga na kami ni Ate Summer. Habang si Storm ay nanatiling nasa sala kausap si Von. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil nasa kwarto na kami. Nang gabing iyon ay bumabagabag sa akin ang nangyare sa pag uusap namin ng Daziel na 'yon.




Lumipas ang gabing yun dumating din ang dalawa naming kapatid na kambal. Medyo problemado pa kami ng dumating sila pero hindi din nagtagal naging masaya na kaming magkakapatid dahil nabuo ulit kami. Ngunit ilang araw lamang iyon kaya mabilis din napawi ang aming kasayahan. Bumalik din agad sila matapos ang ilang araw dito sa lungsod.




Ang sabe ni Kuya Thunder magiging iba yung plano namin. Sila Klyde at Lola na daw ang pupunta ngayong bakasyon. Gusto din daw iyon ng dalawa para malibot ang syudad. Hindi naman ako tumutol kahit gusto kong pumunta sa probinsya.





"Malalim ang iniisip mo ah?" nagulat ako sa pagsulpot ni Thea sa table ko dito sa library.




Oo nga pala nagbabasa nga pala ako ng greek mythology. Hindi ko alam malalim na ang iniisip ko. Sobrang pag aalala ko lang siguro nitong nagdaan na araw kaya ako ganito.




"May problema lang," wika ko sa kanya bago ngumiti





Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon