Chapter 7
Bonfire
Rain Point of View
Tulong tulong kaming apat sa pag aayos ng magiging tent namin ngayon. Isa na doon si Thea, Hara, Ency at Ako syempre. Kaming apat na babae ang mag kasama sa iisang tent. Mabuti na daw iyon para at least komportable kami.
Sina Ate Summer naman ay pinuntahan ako miya't miya para daw ma-secure ako. Mabuti na lang dahil medyo malapit lang ang tent nila sa amin kaya pag umalis si Thea madali ko lang puntahan si Ate. Medyo ilang pa kami nila Hara at Ency sa isa't isa kahit mag classmate kami pero baka ganito lang sa una. Siguro dahil hindi din ganun ka socialize si Hara habang si Ency naman ay tahimik lang din.
Pero nagkakausap naman kami paminsan minsan katulad na lang ngayon na nagtutulungan talaga kami.
"Konti na lang at matatapos na rin tayo." si Hara. Naka salamin ito ng pang nerd at masasabi kong matalino talaga sya.
"Yup! Fighting lang." ani naman ni Ency at nag 'aja sign' naman ito. Napatawa na lang kami ni Thea sa kanilang dalawa.
Hindi ko alam na may ganito silang side. Kapag kase nasa room kami hindi sila umiimik. Marahil ay takot sila sa mga Abo kaya hindi sila ganun sila kadaldal. Tyaka madami din kaseng mga maldita dun na babae sa room kaya nararamdaman ko din sila.
"Need help?" nakapamulsa si Storm habang nakaharap sa akin.
"Hindi na! Matatapos na kami dito." mukhang masungit ngayon si Thea marahil sa pagdating ni Storm kaya ito nagkakaganyan.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." nakita kong magsasalita pa si Thea ngunit hindi na sya pinansin ni Storm. "'Wag ka masyadong sumali sa mga activity baka mapagod ka lang." ani nito sa akin na kinangiti ko lang sa kanya.
"Alam ko ang ginawa ko, Storm. 'Wag kang masyadong mag-alala. Nandyan si Thea para samahan ako ngayon." sabay tingin ko kay Thea na nagmamake face at bwisit na bwisit sa ginagawa nya. Napatawa na lang ako bago nilingon si Storm na blanko ang tingin.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...