Chapter 41
Jealous
Rain Point of View
Kakauwi lang namin ni Lola. Walang imik ang nangyare sa sasakyan ni Zen. Ramdam ko naman ang bawat tingin nya sa akin kahit hindi ko sya nililingon. Hanggang sa makarating kami dito sa aming bahay. Si Lola na yung nag pasalamat sa hatid. Hindi ko na sya kinausap pa pagtapos.
Nakaupo lang ako dito sa labas ng bahay namin. May umupuan dito sa labas kaya pwede ka mag muni muni. May silong din dito kung sa kaling maulanan ako. Tahimik lang ako nagmamasid sa kapaligiran.
Iniisip ang bawat nangyare kanina. Mas lalo lang ako nagagalit sa kanya dahil sa sinabe nya. Pero yung sakit na nadulot ay nandoon pa din. Natatakot ako na baka mangyare ulit iyon pero alam ko sa sarili ko na gusto ko pa sya.
"Bunso..." napalingon ako kay Lola na umupo pala sa aking tabi.
"Pansin ko kanina na magkakilala pa kayo ng apo ni Anastasia." panimula nya. Tumango ako bilang sagot. Tumingin ako sa kalangitan. Masyadong maulap naman ngayon ang gabi.
"Nagkaroon ka ba ng relasyon sa apo ni Anastasia? Iyon bang nag hatid sa atin dito?" aniya ng aking Lola
Nanahimik ako at hindi nagsalita. Hindi sa hindi ko gustong mag sinungaling o itago kay Lola. Ayaw ko lang malaman nya iyon baka magalit sya dito lalo. I mean hindi sa gusto kong mabango pangalan nya sa pamilya ko pero kahit na ganoon ginawa nya hindi ko gustong malaman nila na sinaktan ako ng apo ni Donya Anastasia.
"Mukhang may roon nga base sa kilos nyong dalawa. Kung ano man ang hindi nyo pag kakaunawaan ay sana maayos nyo pang dalawa, apo."
Hindi na po ako nasisiguradong maayos pa ito La. Natatakot po akong sumugal ulit. Natatakot po ako na baka pag dating ng panahon marealize nyo ulit na hindi nya pala ako mahal. Ang sakit din po Lola na nangyare sa akin sa maynila. Sa sobrang sakit hindi ko nakilala ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...