Chapter 28
Picture
🍁🍁🍁
Rain Point of View
Pagtapos namin kumain ay nagkaroon pa kami ng group picture. Suggest iyon ni Third dahil ilalagay nya daw iyon sa Instagram nya. Nasa gitna pa ako nilang lahat dahil ako lang daw ang nag iisang babae. Wala naman akong nagawa lalo na katabi ko si Zen. Sa isa ko pang side ay si Darylle. Nagtuturuan pa nga sila kung sino pa ang tatabi sa akin sa huli si Darylle na lang ang nagpasyang tumabi.
Pagtapos ng group picture tumambay muna kami sa baybayin. Nakapag paalam naman ako kay Ate Summer na kasama ko sina Darylle. Sila na mismo ang maghahatid daw sa akin. Hindi na umangal si Ate Summer bagkus ay pumayag agad ito.
Inaabangan ko ang fireworks display kaso sabi nila mamaya pa daw iyon. Tinignan ko sila Damien at Darylle na nakatingin sa kawalan. Parehas pa talaga silang nakatingin sa iisang direksyon.
"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila
Napatingin sila sa akin ng sabay.
"Yeah," sagot ni Darylle
"May inisip lang ako." sagot naman ni Damien
"Ano naman yun?"
Tumikhim sya. Tumingin sya kay Darylle na parang nanghihingi ng saklolo. Mukhang ayaw nya sabihin sa aking kung ganon. Tumawa lang ako para maging magaan ang atmosphere. Alam ko naman na may iilang bagay na hindi nila pwedeng sabihin sa akin. Naiintindihan ko iyon sapagkat nasa rules nila ang hindi sabihin sa kahit na sino.
"Okay lang kahit hindi nyo sabihin sa akin. I understand..."
Ngumiti lang silang dalawa sa akin. Tumingin naman ako sa parating na iba pang Abo kasama si Zen. May pinuntahan sila kanina kaya naiwan kami nila Darylle, Damien at ako sa mahabang bato. Sina Third, Wesley at Zach ay nasa isang bench naglalaro ng Mobile Legend. Si Zen naman at ang natitira ay kasama nito. Hindi ko naman alam kung saan sila nagpunta. Wala naman din silang sinabe kaya hindi na kami nagtanong.
"You want to go home?" Zen said while looking at me
"Pwede bang hintayin natin yung fireworks display?"
"Matagal pa yun, Rain. Baka pagalitan pa kami ng Kuya mo." wika ni Aurcel
Nagbuntong hininga ako bago tumango. Ngumiti naman sila sa sobrang saya. Napakamot ako sa aking batok. Maniniwala na akong baliw talaga sila. Uwing uwi na ba sila?
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...