Chapter 43

24 1 0
                                    

Chapter 43





Rain Point of View





Kinaladkad ako papasok sa isang malaking barn ng Le Monte Ranch. Doon kami sa likod dumaan. Pero kahit may mga police doon ay hindi nila magawang sugurin o paputukin ang aming sasakyan mula sa aming pagbaba. Marahil ay nahulaan nila na ako ang sakay doon at bitbit nila. Isa pa konti ang mga nasa likod na police. Tantya ko mas marami sa harapan kesa sa nga gilid at likod. Pumasok kami sa loob ng barn. Tumambad sa aking paningin na sugatan si Damien habang naka upo sa gilid. Sa tabi naman nito si Azrah na mukhang nasaktan din. May sugat ito sa kanyang labi halata mo na mukhang nasaktan nga ito.





Parehas silang nagulat dahil nandito ako. Hindi nila siguro expected na nakidnap ako.




"Oh como estas Rain!" sabay tawa nito ng nakakaloko. Nasa gitna ito habang nakatutok ang baril nya sa dalawa.




Pinagmasdan ko ang paligid. Madami palang nakapalibot na tauhan nya. Nakapag handa pala sya ng husto. Marahil alam nyang malaking pamilya ang haharapin nya dito.





Tinulak ako ng mga tauhan nya at pinalapit sa pwesto ni Daziel. May mga peklat ito sa mukha. Hindi lang iyon dahil mukhang batak ang katawan nya ngayon. Parang pinaghandaan talaga nya na makasagupa ang mga Montello o ang grupo nila Kuya. Alam nya na wala syang palag sa mga ito. Malalaking tao ang kinahaharap nya ngayon.




Pero sa estado nya hindi sya titigil hanggat di nakakaganti.





"Long time no see, Rain. Namiss ko ba ako?" sabay dakma sa aking pisnge. Naka kunot lang ang noo ko habang nakikipag titigan sa kanya.





"Pakawalan mo na sila. Ako ang habol mo diba? Kaya pakawalan mo na sila." pakiusap ko sa kanya




"Rain..." rinig kong tawag ng dalawa ngunit hindi ko sila nilingon




Huminto ng sandali si Daziel bago nilingon ang dalawa sa likod.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon