Chapter 9

122 5 0
                                    

Chapter




Last Trial




Rain Point of View





Hindi kami pinalad kahapon sa game pero okay lang iyon sa amin. Nakasimangot ako habang ang iba ay nanalo kanina sa pangatlong trial. Dalawang trials ang nagawa namin ngayong araw kaya dalawa rin beses kaming nanalo. Ngayon baksak ang balikat ko dahil wala kaming nauwi na pagkain na saktong sa pangatlong trial iyon ang prize kung sino nanalo pero si Thea ay wala lang sa kanya. Noong una nga hindi sya masaya kase takot kami sa height nung second trial medyo nag enjoy sya kase kailangan lang namin sumisid sa ilalim ng falls. Iyon ata ang hindi ko din kinaya kaya natalo din kami.





Siguro kahit iwasan ko ang grupo ni Zen sila pa mismo ang gagawa ng paraan para pumunta ako sa kanila. Kahit umayaw ako parang wala naman akong choice na sumama pa rin sa kanila. Hinila kase ako ni Third papunta sa kanila. May kailangan daw kase sila sa akin. Tinanong ko kung ano iyon pala gusto nilang alisin yung mga insekto. Natawa naman ako dahil mayayaman sila pero sobrang takot sa maliliit na hayop. Sakto din naman kase na sumama ako dahil wala si Thea. Pumunta sa org nila, si Storm naman kasama ata ni Zenon. Si Ate Summer naman mukhang may pinuntahan ata.




"Wala na ba? Baka naman meron pa ah?"




"Wala na." sagot ko sa kanila




"Sure ka? Baka meron pa rin?"




"Hoy! Pinapagod nyo SI Rain eh. Baka mainis yan." sabay ngisi ni Joshua




"Aba! Dapat ngang matuwa ka pa dahil kasama mo kami. Ikaw nga lang ang pinapansin namin kaya maswerte ka sa lahat ng babae."

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon