Chapter 40
Reason
Rain Point of View
In every day I pretend to be happy like I didn't cried all nights. Azrah is right. Noong dumating ako dito I just pretend that I am happy but the truth is not. Nasasaktan ako hindi ko lang pinapakita. Alam ni Kuya Klyde dahil lagi nyang napupuna sa umaga ang mata ko na mugto na naman. Hindi lang sya kumikibo. Hinahayaan nya lang ako.
Mabuti iyon baka mamaya umiyak ako at makita ni Lola. Natatakot lang ako na sabihin sa kanya ang problema ko. Feeling ko nakakadagdag lang ako ng problema. I know it's wrong kailangan ko ilabas yung stress ko para gumaan loob ko. Siguro eventually masasabe ko din ito pero hindi pa sa ngayon.
Nandito ako ngayon sa palengke at katatapos lang mamili. Inutusan kase ako ni Lola na ako ang bumili ng rekado. Hindi kami nakain ng baboy at ng manok dito. Puro mga alaga din namin kase iyon. Kaya puro isda lang nakakain namin. Yung ibang aso lang ang nakain ng manok na nabili dito sa palengke.
Pauwi na ako kaya sumakay na ako ng tricycle dala dala ang mga pinamili ko. Hipon ang aming ulam ngayon. Tutulong ako sa pagluluto. Pinakain ko na din naman ang mga baboy at mga biik bago ako umalis.
Na check ko na din ang sunflower farm namin. Nandoon din naman si Kuya Klyde kaya hindi ako nagtagal din doon.
Pag baba ko pa lang sa may tapat namin. Syang pag sulpot ni Gil. Kaseng edaran ko lang sya anak sya ng kapit bahay namin. Umalis na din yung tricycle. Kaya nilingon ko si Gil.
Moreno ito at medyo payat. Ang kanyang buhok ay bagsak. Ngunit ang nagpapa agaw pansin ang kanyang makapal na eyeglasses. Cute sya at mabait. Dati ko din syang kalaro noon.
"Bumalik ka na pala. Dito ka na din ba mag aaral?" sabay ayos nya sa kanyang salamin. Halos magkasing tangkad lang kami. Pero ang kanyang mga magulang ay matangkad. Parehas kami na pinagkaitan ng height.
"Ah, oo dito na ako mag aaral." sabay ngiti ko sa kanya
"Talaga? Edi lagi na tayo mag kakasabay nyan?" natahimik ako sa sinabe nya at tumawa na lang. Nalimutan kong palabiro pala itong si Gil.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...