Chapter 27

105 5 0
                                    

Chapter 27

Traitor




🍁🍁🍁



Darylle Point of View



Nagbabasa lang ako ng libro habang ang iba ay nagkakasiyahan. Hindi ko alam kung anong nangyare o bakit nila pinaparusahan ang iilang kababaihan at iilang kalalakihan. Pinapapatakbo nila ito sa race track bago sinasabuyan ng kung anong malalagkit. Hindi na ako nagtanong pa kay Zero na katabi kong umupo dito sa bench.

"Masaya ka ba Zen?"

Napaangat ang tingin ko kay Zen na nakakunot ang noo habang naglalaro sa kanyang cellphone.

"Kulang pa yan," sagot nito sa amin

"Kanina ko pa gusto malaman kung bakit nyo sila pinaparusahan." ani ko sa kay Zen

"Wala ka kahapon? Alamin mo kung ganon." sabay tawa ni Aurcel na katabi ni Zen. Ngumiwi lang sa kanya bago nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.

"Ang lakas nila mang salita sa likod natin. Tignan natin kung kayanin nila yan." bulong ni Aurcel

"Ayan na badtrip kase sa inyo pasensyahan na lang kayo ngayon.

Narinig ko ang tunog ng message. Nilingon ko si Zen, marahil sya ang naka recieve ng text. Ilang sandali ay tumayo na ito. Nag inat pa sya ng kaunti bago tumingin sa kala Third na pinaparusahan ang ibang pasaway na estudyante.

"Itigil nyo na 'yan. May iba tayong pupuntahan." wika ni Zen na mabilis kaming tumayo habang sina Third ay kinausap pa ang mga estudyante na pasaway bago pumunta sa amin.

Sinundan namin si Zen kung saan ito pupunta. Hindi na kami nagtanong dahil alam namin na hindi nya ito sasabihin. May naalala ako bigla, kung bakit hindi ako nakasama sa kanila kahapon. I went in cafeteria with Thea. Bumili lang kami ng pagkain para sa org nila. Hindi ko na napuntahan sina Zen pagtapos non dahil kinailangan ko din puntahan ang restaurant ni Mama.

"What are we doing here? Pupunta ba tayo ng Intruments Club?" Damien asked Zen while looking at the building

Hindi nya ito pinansin bagkus ay dumeretso papasok sa building na iyon. I shrugged my both shoulders. Nakasalubong pa namin yung babaeng kaibigan ni Rain. Nagmamadali ito at parang tumitingin kung may tao ba. Napakunot ang noo ko pero mas lalong naging straight ang kilay ko ng magulat ito ng makita kami.

Mabilis nyang tinago iyong gulat. Deretso lamang itong naglakad. I know Zen saw that too. Halata mo naman na balisa ito kaya kapansin pansin talaga namin ito. Nilagpasan na namin ito pero lumingon pa ako sa babaeng yun. Sakto naman na lumingon din sya sa amin at ng makita kami agad itong umiwas ng tingin.

Ngumisi ako bago tumingin sa harapan.

"Find that girl," utos ni Zen

"Yes, boss!" wika ni Joshua at Third. Agad nila itong sinundan

Nagderetso na kami ng Instrument Club pero naabutan namin si Rain at Hope na balisa na nasa pintuan. Agad kaming pumunta sa kanila na may halong pag aalala.

"What happened?" Damien asked them both

"Nasira lahat ng instruments. Hindi namin alam kung sino ang may gawa." umiiyak na wika ni Hope. Sya yung leader ng Instruments Club kaya sya ang mapapagalitan kung sa kaling may nawala o may nasira sa gamit.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon