Chapter 23
Masquerade Party
Days had passed. Everyone was preparing for the party tomorrow. Ang nangyare noong nakaraang araw ay hindi na sumiklab. Mukhang hindi nila sinabe kay Zen at sa iba ang nangyare. Palagay ko naman ay nakilos naman sila sa kanilang paraan.
"Mabuti nga kayo may partner. Kamusta naman ako? Mukhang takot sila sa kuya ko kaya wala akong partner ngayon." napapailing na wika ni Thea.
Nandito kami ngayon sa hallway habang naglalakad. Wala na naman kaming prof dahil may meeting daw ulit. Kasama ko si Thea at Narri ngayon. Si Narri ay mayroong partner habang ako din. Yun nga lang yung kay Nari naman ay mukhang pinilit lang sya ng kapatid nya.
"As if naman na gusto ko yung kapartner ko?" Nari rolled her eyes
"Wow! Gusto ka rin ba non? Parehas kamo kayong walang nagawa. Estupida!"
"Alam mo susungangalin ko na yung bunganga mo, masyado ng pasmado eh."
Dinilaan na lang nito si Nari na parang nang aasar pa. Ang dalawang ito talaga ay laging nag aasaran. Parehas pikon kase. Mukhang lagi na lang akong taga awat sa dalawang ito.
"Mabuti pa si Rain at mayroong partner."
"Yeah right kahit hindi yung gusto nya ang naging partner nito atleast may nag yaya pa rin sa kanya." segunda naman ni Nari sa sinabe ni Thea.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...