Epilogue
Rain Point of View
Hindi mo talaga magagawang makalimot sa taong mahal na mahal mo tapos pinagtabuyan mo pa. Dumaan na ang limang taon. Nagbago na ang lahat pati lugar at mga tao pero hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.
Kamusta na kaya sya? May pamilya na kaya? May asawa o girlfriend?
Hindi ko kelan man nabalitaan ang pamilya nya o kahit mismo sya. Nakikita ko noon madalas si Azrah at Damien pero hindi minsan binanggit ang pangalan nya tuwing mag uusap kami. Hindi ko minsan narinig na umuwi sya sa San Narciso o kahit sa Manila. Siguro nga ay tuluyan na syang nanirahan sa ibang bansa.
Hindi ko din minsan narinig kala Storm ang pangalan nya. Bagama't alam ko nagkikita pa din sila ni Zenon dahil magkaibigan ito. Ngunit hindi na tulad ng dati ay pumupunta sila sa aming bahay o kahit mag usap sa tawag ay hindi ko naririnig.
Alam kong iniiwasan nila sa akin ang pangalan nya o kahit marinig ang magkakapatid. Marahil iniiwasan nila sa akin na magtanong tungkol sa kanya.
Inubos ko ang wine glass na hawak ko.
I remembered one time, Narri said I changed a lot. Hindi na daw ako yung Rain na kilala nyang mahinhin at malambot. I just smiled at her and didn't replied. I don't know when did I realized that the world is so cruel to me. Sinbukan ko makaraos sa sakit na naramdaman ko dahil hindi ako magiging successful kung mananatili ako sa comfort zone ko. Lalo na ilang years kong iniyakan at nagsisi sa buhay.
I just realized I need to be strong and independent. Lalo na ngayong nasa mundo na ako ng industry. Hindi pwede na hinahayaan kong sumuko o tinatapaktapakan ako. Kailangan kong tibayin din ang sarili ko.
That's why she noticed that I am not the same before. Right now, I am here at the BGC sitting on the couch and watching my friends on the dance floor.
May mga kasama naman ako na kaibigan ko din pero kasama nila yung nga jowa nila kaya busy pa sila.
In those five years that had passed masasabe kong madami din naganap kahit medyo boring ang buhay ko noon. Araw araw namimiss ko sya at gustong yakapin ng mahigpit. Sa bawat nagdaan mula noon hanggang ngayon naalala ko ang mga memories namin.
Napapangiti na lang ako.
“Hey!” isang lalaki ang nag approach sa akin habang nagsasalin ako ng wine sa aking baso
Umupo ito sa tabi ko. I wore white sleeveless crop top and a long white fitted skirt. I am also wearing a beige stiletto together with ny beige shoulder bag. Para bagay naman kahit nakalugay ako.
Umusog ako ng onti upang hindi madikit sa kanya masyado. Napatingin naman sa akin ilang kaibigan ko. Ngumiti lang ako sa kanila at hindi pinansin ang lalaking nag kukumulit na kausapin ako.
Hanggang ngayon medyo trauma pa din ako noon. Kaya hanggat maari hindi ako lumalapit sa kahit sinong hindi ko kilala. Pumunta lang ako dito dahil birthday ni Narri na nasa dancefloor ata.
“Hey! What's your name?” aniya na hindi ko marinig dahil malakas ang tugtog sa dance floor
Hindi ako sumagot dahil alam na alam ko ang mga ganito. First year pa lang ako ay nakikita ko na to kala Zen at sa mga kuya ko.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
AksiWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...