Chapter 30
Azure M.
🍁🍁🍁
Holiday vacation. Isa sa mga hinihintay ng mga student. Dahil December 16 na umpisa na ng simbang gabi. Nakapag simbang gabi kami kaninang madaling araw ng mga kapatid ko. Tapos agad din natulog pagtapos. Puyat kase kaming lahat dahil ayos kami ng bahay. Nag rearrange kami ng mga gamit sa bahay kaya halos matulog kami mag aalas dose na ng gabi. Pagtapos non nagising kami ng maaga para mag simbang gabi.
Ilang araw na ang nagdaan simula ng mangyare sa amin iyong pagpunta ko doon sa mansion nila Zen. Dahil sa busy kami ay hindi na ulit kami nag kita. Madami rin akong ginawa kaya wala rin akong time para gumala sa buong campus o pumunta sa headquarters.
"Christmass na. Hindi natin makakasama ang kambal ngayon." wika ko habang nakatingin sa Christmas tree na dinesenyo pa namin kagabe ni Ate Summer.
"Nakakalungkot. Parang last year lang masaya natin sinalubong ang pasko at bagong taon."
"Papuntahin kaya natin sila dito kasama si Lola?" suggest ko sa kanya
"Hindi na kaya ni Lola na bumyahe. Hayaan mo na sa susunod naman na pasko doon na tayo mag papasko." sabay ngiti nya sa akin.
Kung sa bagay din naman matatapos na sila sa kanilang kurso kaso si Kuya Thunder balak pang mag aral. Gusto nya kaseng mag soldier. Mabuti nga at hindi sya naabutan ng k-12. Sa aming magkakapatid ako ang first batch ng new curriculum. Si Storm naman kase ilang beses nag stop ng pag aaral kaya halos kasunod ko na sya na year.
"Tuloy pa rin ba si Kuya sa pag susundalo?" tanong ko sa kanya. Wala ngayon si Kuya Thunder marahil ay may pinuntahan. Si Storm naman ay namimili. Sya ngayon ang naka toka sa amin ngayon. Bukas ako ang mamimili ng mga rekado. Tapos sa susunod na bukas ay si Ate Summer.
"He dreamed to become a soldier, Rain. We know that even before right?" aniya habang nag tetext sa phone nito.
"Alam ko naman yun, hindi ko lang maiwasan na hindi mag aalala."
"Just have faith, Rain." she glanced at me before she smiled.
I have faith on Him. Siguro hindi ko lang maalis sa isip ko yung nangyare noon. Our father died 10 years ago when he has a mission. Maraming namatay na sundalo at inilibing din agad. Kinaya namin ang lahat matapos mangyare iyon. Hindi naging madali noon una kaya sina Storm at Kuya Thunder tumigil sa pag aaral noon. Tumulong sila kay Mama sa pagtitinda ng gulay, karne, mga kakanin at kung ano ano pa para mabuhay kami. Hindi ko lang siguro kayang mawala ang isa sa amin pero dapat hindi ko na yun iniisip. As I've said may tiwala ako sa kanya. Alam kong gagabayan nya ang kapatid ko sa oras ng laban.
Tumingin ako sa phone ko na nasa coffee table. Umilaw ito hudyat na mayroong tumatawag. Naka silent kase ang phone ko dahil medyo maingay ang ringtone. Hindi pa naman ako nakaka pag download na magandang kanta dahil hindi ko naman alam kung paano.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
AcciónWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...