Chapter 12
Likod ng Kwelyo
Rain Point of View
Nakasimangot lang ako habang nakikinig sa prof. Hindi ko kase matanggal sa isipan ko ang nangyare sa akin kagabi. Nakasama ko si Sage ngunit hindi naman naging matagal iyon. Hinatid lang nya ako sa aming bahay upang makasiguro daw syang ligtas ako. Hindi naman kami nagka usap masyado pero may ilan syang nasabe sa akin.
Pinilig ko na lang ang aking ulo sa dingding. Wala naman din masyadong ginagawa tapos na rin naman ako sa pinapagawa ng ng prof kaya pwede ng gumalaw.
"Anong balita? Hindi na kita nakausap matapos sa Trial Game natin ah?" napalingon ako kay Thea
"Ah. Oo nga 'no? Busy kase tayo parehas kaya hindi na tayo nag kakasalise."
Tumango tango ito sa sinabe ko. "Ano nga palang nangyare sa inyo nila Zen? Ganon pa din? Hindi pa din kayo nag papansinan?"
Umiling ako sa kanya. "Hindi na. Malabo ng mangyare iyon..."
"Bakit?"
Nagkibit balikat ako sa kanya bago humarap ulit sa white board. Hindi ko na kayang sabihin ang ibang detalye sa kanya dahil masyado ng masakit kung aalalahanin ko pa. Siguro ganon talaga kailangan kong tanggapin na hindi talaga ako magugustuhan ng isang katulad nya.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...