Chapter 16
Apple
Rain Point of View
Sembreak na namin kaya masaya kami ni Ate Summer na natapos ang unang paghihirap namin. Meron kaming isang linggo para mag pahinga habang paghahandain namin ang second sem namin. Mabuti nga at hindi trimester ang school na ito baka mabaliw pa ako dahil sobrang daming sem. Dahil simula na ang aming sembreak nandito lang ako sa aming bahay at naglilinis. Nandito rin naman si Storm at Ate Summer iyon nga lang ang panganay namin na si Kuya Thunder ay nasa work.
Hindi ko alam kung anong work nya dahil hindi ko naman natatanong tyaka hindi din naman alam ni Ate Summer kaya hindi na ako nag abala pang maki alam. Habang nag lilinis ako, si Ate Summer ang nagluluto at si Storm ang nag lalaba. Laging ganito ang routine namin at kung sino matatapos agad tutulungan namin si Storm.
Medyo madami kase ang lalabhan ni Storm kasama na ang punda, kumot, at comforter ng kama ay sinasama na namin. Matatapos na rin naman ako sa paglilinis at tutulungan ko na rin pagtapos si Storm. Nililinis ko yung sa may maliit na cabinet dahil medyo maalikabok na ito. Inayos ko din yung picture naming magkakapatid at sa hindi inaasahan ay napangiti ako.
"Perfect." Tatayo na sana ako ng mapansin kong may kuminang na bagay sa likod ng picture frame.
Tinignan ko kung ano iyon bago napag pasyang kuhanin. Pagkuha ko ay isang necklace ng pang lalaki pero may tag na nakalagay. Ito yung katulad na nakita ko sa suot ni Zen na nakita ko din suot ng dalawa kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...