Chapter 39
San Narciso
Rain Point of View
"Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Kuya Klyde habang dala dala ang aking maleta. Pinasok nya sa kwarto namin ni Ate Summer ang maleta ko.
Nakaupo lang ako sa sala at nakatingin lang sa labas. "Hindi pa naman ako gutom." wika ko sa kanya
Tumango ito. "Wala pa si Lola, pauwi pa lang sya gawa ng pumunta pa ito ng palengke para mamili ng ulam." aniya
Hindi ako sumagot bagkus ay nakatulala lang ako.
"Nasabihan na ako ni Storm kung bakit ka nag desisyon na dito manalagi. Iaayos ko ang papeles mo dito sa San Narciso Technology of College. Baka sa susunod na araw kapag napadala na yung mga papeles mo agad." wika nito na kinatango ko lang. Wala ako sa sarili kaya hindi ko maintindihan ang sinasabe nya. Nagsasalita lang sya pero di napasok sa utak ko ang mga ito.
"Business pa din ba yung kukunin mo?" aniya pero tumango lang ako. "Rain!" sabat pitik sa aking mukha
Nagulat ako doon at napabaling sa kanya. "Ha? Ano iyon?"
Napakunot ang noo nya bago nagbuntong hininga. "You're not listening aren't you?"
Hindi ako sumagot bagkus ay tumungo lang. Alam ko naman na alam na nya ang nangyare sa akin. Gaya ng sabe nya nasabe na ni Storm kung bakit. Kung si Storm ay mahigpit, mas mahigpit si Kuya Klyde. Sya yung tipong kapag nasaktan ako o si Ate Summer nandyan sya para tulungan kami.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...