Chapter 36
Warning: SPG. This scene is not suitable for under 18 years old or younger readers. So please If you are under age do not read this or imitate this. You have been warned.
New Condo
Sobrang busy nilang lahat pero may ibang employee na hindi busy. Like parang break time or coffee time na nila base sa pag oobserve ko. Kung sa bagay kanina pa sila nag work at nakatapat sa mga computer nila. Minsan sumsulyap sila sa akin pero bumabalik din sa kanilang mga ginagawa.
Hindi ako nag tagal doon. Nag elevator ulit paakyat sa floor kung saan office nila Zen. Pagtapos ay agad din naman bumukas kaya naglakad na ako sa mahabang corridor.
Sumalubong sa akin ang isang lalaki na mukhang empleyado din nila.
"Ma'am, nandon na po sa office ni Sir Azure yung foods nyo po." wika nito
Tumango ako sa kanya. "Thank you," sagot ko bago nagtungo sa office nila.
Pagpasok ko ay dumeretso ako sa sala ng office niya. Umupo ako sa mahabang sofa at doon kumain. Isang pork steak, may mais din sa gilid at half of rice ng kanin ang binigay nila sa akin. Meron din nakabalot na order na nakalagay pa sa paper bag. Mukhang may pa take out pa sila or baka kay Zen ito? May juice din na nakahanda. Isang orange at isang pineapple na naka sealed pa.
Nag umpisa na akong kumain dahil na din sa gutom kaya mas napabilis ang ubos ko ng pagkain. Uminom na din ako ng orange juice.
Narinig kong marahas binuksan ang pintuan kaya tinignan ko kung sino iyon. Si Zen pala na dali daling pumunta sa akin.
"Let's go," wika nya na seryoso ang mukha. May nangyare ba?
Tumayo ako. Mabilis nyang kinuha ang kamay ko pero bago pa kami humakbang ay sumunod na sumulpot si Zenon at Zoren.
"Mas delikado sa bahay nila Zen." nakapamulsa at seryoso si Zenon ngayon kumpara sa madalas ko syang nakikita na laging naka ngisi pero ngayon halos lahat sila ay seryoso.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...