Chapter 2

171 11 1
                                    

Chapter 2



First day of Class



Rain Point of View




First day of class ngayon. Sinubukan kong maagang gumising para maaga pumasok. Iyon nga lang natagalan kami sa pag hahanap ng classroom. Hindi kase namin alam na medyo malaki pala itong University.



Sabay kaming naglakad ni Storm habang hinahanap namin ang aming classroom. Magka iba kami ng department at palagay ko magkaiba kami ng building. Okay na rin yun. Para naman maranasan kong maging independent. Gusto ni Storm maging engineer at ako naman ay business marketing. Wala na kase akong ibang choice bukod sa business.



Hindi ko namalayan na nagtanong si Storm sa isang babae. "Miss saan ba ang building ng College of Buissines dito?" Tanong ng aking kapatid. Biglang namula yung babae marahil ay natipuhan nya ang kapatid ko. Kaso mukhang hindi alam iyon ni Storm at batid kong walang pakialam ito.




"A—ah ito n-na yung building na i-iyon." sagot nya sa mahinhin na tono kaya napakamot ito sa kanyang batok.




"Eh yung BS Civil Engineer?"




"Sa kabilang building iyon. May makikita ka naman na sink area doon na yun mismo." sagot ulit nito sabay ayos ng kanyang salamin. Napadako naman ang kanyang tingin sa akin dahilan para ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din sya sa akin na pabalik pero parang may hindi tama doon kaya nawala ang ngiti ko sa aking labi.



Hindi ko na lang pinansin yun baka ganon talaga ang babaeng 'yon.




"Salamat." wika ng aking kapatid bago ako sumunod sa kanya na nauna na palang naglakad. Hindi naman nakaligtas ang tingin sa akin ng babaeng naka salamin bago kami umalis.




Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon