Chapter 6

128 5 0
                                    

Chapter 6




Ready for the Survival Training




Rain Point of View


Pagpasok ko sa aming room ay bumungad sa akin ang ingay ng mga classmate ko. Mukhang nagreready na sila para sa darating na trial namin sa susunod na linggo. Iyon yung sinabe sa announcement na field trip ata yun na may challenge kung paano kami mabubuhay ng isang linggo doon sa kagubatan at kabundukan. Iyon pala ang Survival Training namin. Plus points daw yun sa lahat ng subject kapag nagparticipate daw kami.




Hindi naman ako ganun ka excited katulad nila dahil kabaliktaran ang nararamdaman ko pagdating ng araw na iyon. Bagamat kasama naman si Storm at iba pang mga estudyante dito sa West Wing. Ang taga East Wing kase ay kasama din namin.




Dumeretso na lang ako sa aking upuan at nilagay ang bag ko sa aking likudan. Masyado pang maaga pero maraming pumasok na maaga. Ano kayang meron?





"Huy! Tulala ka masyado ah? Okay ka lang ba?"




Nilingon ko si Thea na nasa harapan ko pala. Nakatayo sya at nakasukbit pa rin ang bag nya sa kanyang likudan. Marahil ay kararating nya pa lang din.





Ngumiti ako ng kaunti sa tanong nya. Hindi talaga ako okay deep inside. Hindi biro ang pinagdaan ko nitong linggo. Mula pag pasok ko sa paaralan na ito hanggang sa nangyare yung muntik na akong ma-rape at yung nakita ko si Zen na may kahalikan na iba. Ewan! Hindi ko na alam. Para na akong sasabog pero dahil gusto kong tumulong sa pamilya ko kailangan kong maging matapang. Kailangan kong maging malakas.





"Okay lang ako."




Hindi sya sumagot bagkus ay tinignan nya lang ako sa aking mga mata. Umiwas na lang ang ako tingin sa kanya at dumeretso na lang ako ng tingin. Napansin ko naman na umupo na sya at hindi nakaligtas sa akin ang kanyang pag buntong hininga.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon