Chapter 13
Palawan
Darylle Point of View
Maaga akong pumasok ngayon kasabay si Xeth. Malapit lang naman ang bahay namin sa isa't isa kaya minsan ay sabay kaming pumasok na dalawa. Pag pasok pa lang namin sa bago naming room ay tumahimik na agad ang mga tao doon. Habang kaming dalawa ni Xeth ay umupo na sa dulo. Nireserve ko na din ang upuan ng walo para wala ng umupo doon. Mahirap na magwawala pa yung iba kung wala sila mahanap na upuan.
Pagka upo namin ay agad akong naghanap ng libro para makapag review sa lesson. Wala naman akong magawa kaya ito na lang ang pagka abalahan ko muna sa ngayon. Ngunit napatigil ang pag babasa ko ng biglang sumagi sa isipan ko noong unang pasukan.
Hindi ko kase maintindihan kung bakit doon kami nilagay ni Zeron Azyr sa may course nila Rain. Sa laki ng school na 'to kulang pa ba ng mga rooms? Si Zen naman ay wala namang angal dahil kahit saan naman okay sya doon basta desisyon ng panganay. Nito ko lang din naunawaan dahil narinig ko ang pag uusap ng pinsan kong si Cray at kay Lio na parehas matalik na kaibigan ni Zeron.
Kabilang din pala ang kapatid ni Rain sa grupo nila Zeron. Ang kasunduan ng dalawa ay hindi madamay sa gulo ang mga kapatid nito lalo na si Rain. Iyon ang pagkakarinig ko sa kanilang pag uusap. Kaya minabuting doon kami pinasok ng Gold's Clan para mabantayan namin si Rain ngunit hindi naging ayon sa plano nila dahil kami rin pala ang nangulo sa buhay ni Rain.
Ngayon hindi ko tuloy alam kung may nalalaman ba si Zen sa plano ng kapatid nya? O wala syang kaalam alam kung bakit kami napunta noong una doon sa department na 'yon? Papaano naman kung alam nya? Kung alam nya bakit naman nya gagawin na maging kawawa si Rain?
Nakakainis dahil kahit simula pa lang ng mga bata kami malihim na talaga si Zen. Hindi kumikibo o nagsasabe ng problema. Hindi mo din malalaman kung malungkot ba sya o masaya. Dalawa lang ang pinapakita nyang emosyon yung galit at kalmado.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...