Chapter 1

281 9 0
                                    

Chapter 1


Abong buhok


🍁🍁🍁




Rain Point of View




Naka upo lang ako dito sa ilalim ng puno. Mas gusto ko pa dito tumambay upang mawala ang aking problema kahit sandali lang. Hindi ko kase alam kung paano namin lulutusin magkakapatid ang problema na ito.




Nagbuntong hininga ako bago hinilot ang sintido ko dahil sa kumikirot ito. Nahihilo ako dahil sa kakaisip at kung sasang-ayon ba ako sa sinasabe ng Kuya.




Ang gusto nya kase lumuwas kami ng Maynila para doon mag aral at maghanap ng trabaho. Pero si Klyde ay maiiwan dito kasama si Lola. Bali kaming dalawa ni ate Summer, Storm at si Kuya Thunder lang ang luluwas.




Natatakot ako sa haharapin namin pagtungtong namin sa syudad. Hindi biro ang pagluwas namin dahil wala kaming alam doon. Maraming masasamang tao na pwede kaming patayin doon kaya lingid sa gusto ko na wag na kami matuloy ayaw naman ni Kuya Thunder.




Kailangan daw kase namin talaga gawin iyon. May bahay naman kami matutuluyan iyon nga lang upahan iyon kaya kailangan pa rin namin mag trabaho.




Bukas na ang alis namin kaya mamimiss ko itong plantasyon nila Doña Cariaga. Sila ang namamahala sa plantasyon na ito at kahit nag trabaho ako dito kulang pa rin ang sweldo na nakukuha ko.




Elite school na mapapasukan namin doon. Lahat kami ay doon mag aaral. First year college ako si Storm naman ay Second Year college. Tumigil din sya Kuya Thunder kaya naging magkasing level na sila ni ate Summer. Silang dalawa ay fourth year college na sa pasukan kaya kailangan namin mag doble doble kayod dahil malapit na silang mag graduate.




Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon