Chapter 34

41 4 0
                                    

Chapter 34

Sembreak

🍁🍁🍁

Rain Point of View

Inayos ko ang aking t-shirt bago muling lumabas sa magarang kotse nila. Muli akong nandito sa mansion nila dahil sa gusto nila Damien at iba pa nilang pinsan akong makita. Bukod doon ay si Zen din nagpilit sa akin para pumayag. Wala naman akong magawa dahil gusto ko din naman pumunta sa kanila.

Nagbow din ako sa butler nila bago umalis. Sinamahan naman ako ng mga maid upang iguide kung nasan sila Zen ngayon. Habang papasok kami sa kanilang malaking mansion na bahay ay muli kong naalala ang nangyare noon sa kanila ni Daziel.

Ginamit ako ni Daziel para magalit ng husto si Zen. Gusto nya talagang gumanti. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit din nya ako dinadamay sa mga laro nya at dahil kay Zen.

Dahil nakikita nyang importante ako sa buhay nito...

Importante... napakagandang pakinggan sa aking tenga.

Ngumiti ako.

"Rain, nandito ka na pala," aniya ni Damien ang bagong dating mula sa probinsya

Umupo ako sa sala nila kung saan sa tapat nya. Ito ay may kachat sa phone base sa aking nakikita ngayon. Siguro pinsan nito or iba? Nagkibit bakikat na lang ako at hindi na pinansin pa iyon at hinintay na lamang si Zen na dumating.

"Tinawag lang si Zen sa office room nila Tita. Mabilis lang yun kaya wait mo lang sya." wika nito habang di nakatingin sa akin at sobrang focus sa pag type sa kausap nya

"Ok," iyon na lamang ang natangi kong nasabe bagama't ilang beses na ako nakakapunta dito ay hindi pa din ako sanay sa buhay nila at dito sa magagarang bahay nila.

"Thank you," wika ko sa kasambahay na nag bigay sa akin ng orange juice.

Umalis na ito sa aking harapan. Doon ko naman ininom ang juice na binigay nya. Dahil sa tamis ng aking nalasahan, naalala ko tuloy bigla after ng mangyareng iyon masyado na din naging sweet sa akin si Zen. Yung dating masungit sa akin na lalaking 'yon, hindi namamansin sa ibang tao, walang pakialam, at nambubully na ngayon ay nag iibang tao na sya.

Hays!

Sana magpatuloy ang pag babago nyang iyon.

"Have you eaten?" isang baritong boses ang nagpaangat sa aking tingin. Naglalakad pa lang sya patungo sa akin nag wawala na agad ang puso ko. Sa tangkad, at built na nyang katawan ay mas lalong nagpapadagdag sa kanyang appeal.

Tumango ako sagot nya bago nya pa malaman na masyado akong nalululong sa kanya. Este- masyadong napapahanga pala.

"Yup," yun lang ang tangi kong nasabe bago nya nilamon ang espasyo sa aming dalawa- tumabi sa akin pala.

Sa sobrang tabi nya nga sa akin magkadikit na halos yung skin naming dalawa. Hindi lang yun dahil ang isa nyang kamay ay pumalupot sa aking bewang. Wala akong nagawa kundi hinayaan ko na lamang sya.

"How are you?" tanong nya na akala mo naman ilang buwan na hindi nagkita. Dalawang linggo lang hindi kami nagkita dahil tinapos namin lahat bago mag end of school year. Sobrang busy namin lahat kaya di kami halos nagkikita pero nagkakausap naman kami madalas sa phone.

"I'm fine, Zen. Kakausap lang natin kagabe sa chat." sabay iling ko pero ang bruho nag smirk lang sa akin habang nakatingin.

"Why? Masama na ba mag tanong?"

Umiling ako "Hindi naman sa ganon pero..." natigilan ako ng ilang saglit

"Miss ka na kase nya agad, Rain." sabay sulpot ni Travis na nasa barindilya mula sa taas. Pababa na din ito kasama si Zero.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon