Chapter 8

141 5 5
                                    

Chapter 8



First Trial




Rain Point of View



Maaga kaming nagising ni Thea para umpisahan na ang unang trial. Nagtipon tipon muna kami doon sa pinag bonfire namin kagabe bago kami nag umpisang maghanap ng mga clue. Habang naghahanap ay may iilan kami nakasama sa lugar na pinuntahan namin. Marami kase kami kaya siguro nagkalat kalat ang lahat ng taga West Wing dito.




Seryoso naman si Thea na naghahanap kaya napapaseryoso din ako. Naalala ko yung kagabe na nangyare. Nakita nyang magkasama kami ni Zen ngunit agad din naman umalis si Zen sa kinaroroonan naming dalawa ni Thea.



"Saan ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap."


"A-ahh?"


Tumingon sya sa likod ko na nilingon ko naman. Sinundan nya ng tingin si Zen hanggang sa makalayo na ito sa amin bago nya ulit ako tinignan. "At bakit kayo magkasamang dalawa ni Zen?"



"Naligaw kase ako kanina nagkataon na nandon sya kaya nagpatulong ako sa kanya." totoo naman ang sinabe ko hindi ko lang naman sinabe ang buong buo.



Tinignan nya ako ng seryoso na parang hindi sya naniniwala sa akin. "You sure?" tumango tango ako sa kanya pero nakita kong tumingin muna sya sa direksyon kanina ni Zen.



Bakit? Ano bang iniisip nya?


"Tara na?" aya ko sa kanya.




Maayos naman kami kanina pero bakit ngayon mukhang seryoso na ulit sya? Hindi ko maintindihan pati ang kinikilos nya ngayon. Para syang nagmamasid sa bawat pinupuntahan namin.  Lumingon lingon naman ako pero wala naman akong makitang kakaiba pwera lang sa mga lalaki na kasunod namin maglakad. Pansin ko lang din na kanina pa kami sinusundan nila? Ano bang problema nila?




Binaling ko na lang ang tingin ko sa daan para matapos na kami. Nagbuntong hininga ako at huminto muna sa may tabi ng puno para magpahinga. Ngunit agad akong napahinto dahil may sumulpot ng isang patalim. Malapit sa lang sa pisnge ko yun kung hindi ako gumalaw ay baka natamaan ako nun.

Black Inferno: Half-Hearted (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon